Ang Pambungad

Ang Ating Tungkulin sa Propeta Muhammad

Dr. al-Sharîf Hâtim b. `Ârif al-`Awnî
Professor, Umm al-Qurâ University, Mecca
October 28, 2002


Ang papuri ay sa Allah na nagsabi:

 

“Ngayon ang Mensahero ay dumating na nagmumula sa inyo. Siya’y nagdadalamahati kapag kayo’y sapitan ng sakanu. Labis ang kanyang pagmamalasakit sa inyo, at sa mga naniniwala siya’y sadyang mapagpala at mahabagin.” [Sûrah al-Tawbah: 128]


Nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay sa Propeta na nagpahayag:

 

“Wala sa inyo ang maging lubos na naniniwala, hanggang sa ako’y higit na minamahal kaysa sa kanyang mga magulang, kanyang mga anak, at ang lahat ng sangkatauhan.”

 

Walang pag-aalinlangan sa karapatang nauukol lamang sa Huling Propeta at Mensahero mula sa sangkatauhan at ang Jinn, siya ang iginagalang sa lahat ng lahi ni Adam, ang may dala ng pagpupuri, at nagtataglay ng dakilang pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom. Paanong hindi maisasakatuparan ito samantalang ang kanyang kataas-taasang luklukan at ang bawat taglay nating biyaya sa mundong ito at sa kabilang buhay ay sa kanyang kapurian pagkatapos ng biyaya at pagtustos ng Allah? Hindi ba ang dala ng pananampalatayang Islam ay tagumpay sa mundong ito at sa kabilang buhay? Hindi ba ang Propeta, Sumakanya ang nawa ang kapayapaan, ang siyang nagpahayag sa relihiyong ito para sa atin sa kanyang kabuoan sa pinakamahusay na pamamaraan?

 

Ang isa sa hindi maaring maipagkait na kanyang karapatan mula sa atin – sa kanyang dalang biyaya ng Islam at ang pag-asa sa paraiso na dulot nito – ay ang ipagtanggol ang kanyang karangalan at buong lakas na pabulaanan yaong mga aapi sa kanya sa kanilang gawa at pananalita. Ito ang karapatan na hindi kailanman mababago, at walang sinuman ang may karapatan na baguhin ito kahit man lamang sa kanilang isipan.


Ito ay likas na nagmumula sa ating paniniwala na walang pagkakaiba sa lahat ng mga Muslim, lahi, kulay, o idolohiya. Lahat ay sumasang-ayon sa paniniwalang kinakailangan nilang gamitin ang bawat panahon at huwag hayaang may lilipas na nito na hindi ginugol sa pagtatanggol sa Propeta ng Allah,
Sumakanya nawa ang kapayapaan. Walang ibang paraan upang mapagkaisa ng mga kaaway ng Allah ang mga Muslim – na pinagpipilitan nilang buwagin at guluhin, kundi ang paninirang puri at pagmamalabis sa Propeta Muhammad, Sumakanya nawa ang kapayapaan, sa pamamagitan ng pagmamaliit sa kanyang Sunnah, kahit na sa pinakamaliit na bagay.


Sa pagkakataong ito, nais kong iparating sa mga makasalanan na sabihin: Sino sa atin ang nararapat tawaging “Extremist”? At sino ang nararapat tawaging mapagparaya at matiisin? Yaon bang lumapastangan at sumirang–puri sa Huling Propeta,
Sumakanya nawa ang kapayapaan, kahit na ipinahayag siya sa kanilang Aklat (Bibliya)? O ang mga naniniwala kay Hesus, Sumakanya nawa ang kapayapaan, at iginalang siya kasama sina Moses, Abraham, at ang lahat ng Propeta at Mensahero ng Allah, Sumakanila nawa ang kapayapaan?


Katunayan, tayong mga Muslim ay siyang saksi sa sangkatauhan. Sinabi ng Allah:

 

“At itinakda Namin sa inyo ang mapagparayang ummah, upang kayo’y maging saksi sa sangkatauhan, at ang Propeta ng Allah ang siyang maging saksi sa inyo.”

[Sûrah al-Baqarah: 143]


Ang pagpupuri ay sa Allah lamang mula sa simula at ng palagian. At ang kapayapaan at biyaya ng Allah ay sa pinakamahusay sa Kanyang Nilikha,
Sumakanya nawa ang kapayapaan, ang kanyang pamilya, kanyang mga Kasamahan [Sahabah] at sa lahat ng tumatahak sa kanyang landas.




Ang Tanggapan ng Pandaigdigang Lupon para sa Pagtatanggol sa Huling Propeta [PLPHP]

805
    Total:0   -   Page:1   -   Pages:0
    |«« »»|