Propeta Muhammad Biyaya sa Sangkatauhan

Ahmed Baguec

 

 

 

 


 

Ang Mga Nilalaman

 

 

Paunang Salita ……..…….…....…….…….………………..

i

Pagkasilang ……….….…….......………………………………

1

Kabataan …….……………….………………....…..………….

2

Pag-aasawa …………...…………………………………....….

3

Pagkapropeta …………………………….……..……..….……

4

Mga Hamon …………..…………………….………..….……...

6

Pandarayuhan (Hijra) ………………….………....…………

8

Ang Bagong Panahon ………………………………..……….

10

Mga Kinatawan ………………………….…….....…..……...

12

Ang Pagpapalaya sa Makkah ………….……………….….

12

Ang Pamamaalam ................................……….....

13

Ang Pagpanaw ………………......……………….….……....

17

Ang Patnubay .………….............................….……

19

Ang Pangkabuhayan ………….……………………......……

20

Ang Kalinisan …………………….……………………….…..…

23

Ang Kaayusan ………………………………………..………….

27

Ang Pagkamabait ……………………………….………...……

30

Ang Pagkikipagkapitbahay ………………..............…

30

Ang Mabuting Pakikipag-kapwa ………………….………

32

Ang mga Kababaihan ………………….………………..…..

32

Ang Pamahalaan …………………..………………….………..

34

Mga Sanggunian sa Pagsulat ……...………….………..

36

 

 

-----------------++++-----------------

 

 

Paunang Salita

 

Ang lahat ng papuri ay sa AllahU lamang, Siya ang tanging pinasasalamatan at hinihingan ng tulong. Ang gabay at kapatawaran ay mula sa Kanya lamang. Ako ay nagpapakupkop sa AllahU laban sa kasamaan na aking sarili at sa mga gawaing pagsuway sa Kanya.  Sinumang pinatnubayan ng AllahU ay walang makapagliligaw sa kanya. At sinumang hinayaan Niyang maligaw walang makapagpapatnubay sa kanya. Ako ay sumasaksi na walang tunay na Diyos na nararapat sambahin maliban sa AllahU, ang tanging Nag-iisa at ang walang katambal sa Kanyang Kapangyarihan at Kaluwalhatian. At ako rin ay sumasaksi na si Muhammadr ay ang huling Sugo at Alipin ng AllahU. Nawa’y patnubayan siya ng AllahU at ipagkaloob sa kanya ang pinakamabuting gantimpala para sa kanyang Ummah. Nawa’y gantimpalaan ng AllahU ang lahat ng kanyang mga kasamahan sa kanilang mga pagtitiis at katapatan sa pagpapalaganap ng Islam para sa kanilang mga sumusunod na henerasyon hanggang sa Huling Araw.

 

Ang maikling sulating ito ay hango sa kahanga-hangang kasaysayan at talambuhay ni Propeta Muhammadr na naglalayong ipamahagi sa inyo nang payak at nang may kapitagan. Ito ay mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang pagpanaw kasama rito ang mga paksa hinggil sa kanyang angking katangian, at ilan sa mga pamantayang kanyang itinatag sa halos lahat ng sinasaklawan ng ating pamumuhay at pagsamba.

 

Si Propeta Muhammadr ang siyang nagdala at nagturo sa atin ng pananampalatayang Islam. Nararapat lamang na kilalanin natin siya at pagyamanin ang mga bagay na kanyang itinuro.

 

As-salamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatu.

 

 

Ahmed Baguec - أحمد باجيك

December 02, 2003 - Shawwal 08, 1424

Riyadh, KSA

 

 

-----+++-------++++--------+++--------

 

 

Pagkasilang

 

Si Muhammadr[1] ay isinilang sa angkan ng Bani Hashim sa Makkah, Arabia, taong 570 A.D. [Taon ng mga Elepante]. Ang kanyang ina na si Aminah ay anak ni Wahb bin Al-Manaf mula sa angkan ng mga Zahrah. Ang kanyang ama na si Abdullah ay anak ni Abd Al-Muttalib. Ang kanyang angkan ay mula sa marangal na lahi ni Isma’il, ang anak ni Abraham na halos ika-apatnapung inapu.

 

Ang ama ni Muhammadr ay namatay bago siya ipinanganak. Lubos siyang naging ulila sa pagkamatay ng kanyang ina noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.

 

Ayon sa kaugalian ng mga mararangal na pamilya sa Makkah, ang batang si Muhammad ay ipinaubaya sa pangangalaga ni Halimah bint Abi Dhuib na nanini-rahan sa disyerto upang maging malusog at matutong maging matatag sa buhay disyerto, at gayundin upang maging bihasa siya sa wikang Arabik sa orihinal at dalisay nitong anyo. Sa pananatili niya sa disyerto kapiling ang pamilya ni Halimah, ilang ulit din siyang ibinalik sa Makkah upang dalawin ang kanyang ina. Nang namatay ang kanyang ina, siya’y inalagaan ng kanyang lolo na si Abd Al-Mutalib. At nang namatay ang kanyang lolo, napunta siya sa pangangalaga ng kanyang amain na si Abu Talib. Sa pagkakataong ito, madalas siyang mag-alaga ng mga tupa sa palibot ng Makkah at sinasamahan din ang kanyang amain sa paglalakbay ng pangangalakal sa Syria.

 

Ang Kabataan

 

Sa kanyang kabataan, si Muhammadr ay mahigpit na naniniwala sa Kaisahan ng AllahU[2]. Siya ay namuhay nang pangkaraniwan at kinasusuklaman niya ang kapalaluan, kahambugan at pagmamataas. Siya ay maawain sa mga mahihirap, sa mga balo at sa mga ulila at nakiramay siya sa kanilang paghihirap sa pamamagitan ng kanyang pagtulong. Kanyang ini-wasan ang lahat ng masasamang bisyo na karaniwang ginagawa ng mga kabataan sa kanilang lipunan katulad ng sugal, pag-inom ng alak, kahalayan at marami pang iba. Siya ay likas na kilalang ‘As-Siddiq’ (Matapat) at ‘Al-Amin’ (Mapagkakatiwalaan). Tiwala sila sa kanyang pamamagitan sa anumang hidwaan ng dalawang magkasalungat na panig sa kanyang lupang tinubuang Makkah.

 

Pag-aasawa

 

Noong siya’y halos 25 - taong gulang, iminungkahi ng kanyang amain na si Abu Talib na sumama siya sa isang paglalakbay ng pangangalakal na pagmamay-ari ng isang mayamang balo na si Khadijah. Tinanggap at isinagawa niya ang paglalakbay sa Syria. Kanyang pinangasiwaan ang pangangalakal nang may likas na pag-iingat at pagpapahalaga sa kanyang tungkulin kung kaya't bumalik siyang may dalang malaking kita kung ihahambing sa karaniwang kinikita ng mga naunang namasukan sa kanya. Humanga si Khadijah sa kanyang katapatan at sa kanyang kahali-halinang pagkatao. Kaya kanyang inalok siya ng kasal na taos pusong tinanggap naman ng Propetar. Naging masaya ang kanilang pag-iisang dibdib. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng anim na supling: Al-Qassim, Zainab, Ruqaiyah, Umm Kulthum, Fatimah at Abdullah na tinag-uriang Taiyib at Tahir. Lahat ng anak na lalaki ay namatay na bata pa lamang at ang kanyang mga anak na babae ay namatay sa panahon ng kanyang pagkabuhay maliban kay Fatimah na namatay anim na buwan pagkaraan ng kanyang pagpanaw. Si Khadijah ay ang tangi niyang asawa hanggang sa pumanaw ito sa edad na 51 taong gulang.

 

Pagkapropeta

 

Ipinanganak si Muhammadr sa isang sambayanang lumihis sa paniniwala sa kaisahan ng AllahU. Siya ay nalulungkot at naalibadbaran sa kabulukan ng lipunan na nakapaligid sa kanya. Madalas siyang pumunta sa Yungib ng Hira sa bundok na malapit sa Makkah, na sa huli ay tinaguriang ‘Jabal An-Nur’ (ang bundok ng liwanag). Dito niya pinag-iisipang mabuti ang nangingibabaw na kadiliman at kakulangan ng kaalaman. Sa yungib na ito'y nanatili siyang mata-imtim sa panana-langin sa Panginoon ng mga daigdig. Isang gabi, habang siya’y nagninilay-nilay sa Yungib Hira, si Anghel Gabriel ay dumating sa kanya. Pinukaw siya ng malakas na tinig ni Anghel Gabriel na umalingaw-ngaw sa kanyang pandinig. Siya’y nalito at hindi malaman ang kanyang gagawin. Inutusan siyang magbasa, at ang sagot niya: “Hindi ako nakakabasa!” Tatlong ulit na sinabihan siyang magbasa ni Anghel Gabriel subali't ganoon pa rin ang sagot niya. Sa huli, sinabi ng Anghel:

 

Ipahayag! Sa ngalan ng iyong Panginoon na lumikha, na lumikha sa tao mula sa namumuong bagay. Ipahayag! At ang iyong Panginoon ay Ang Mapagbigay, Siya na nag-turo (sa paggamit) ng panulat, na nagturo sa tao sa hindi niya nalalaman. [Qur’an, 96:1-5]

 

Ito ang unang pahayag na natanggap ni Muhammadr. Siya ay 40 taong gulang sa panahong yaon, at nag-patuloy ang pagdating ng mga pahayag sa kanya sa loob ng 23 taon.

 

Ang pagkasunod-sunod ng mga pahayag na ito ay isinaayos ayon sa mga pamamatnubay na ibinigay kay Propeta Muhammadr. Tinipon ito sa anyong aklat na tinawag na “Al-Mushaf o “Qur’an[3] (Pagbabasa). Halos lahat ng mga taludtod ay may malinaw na kahulugan. Ilang mga taludtod ay naipapaliwanag sa pamamagitan ng ibang taludtod sa Qur’an, at ang ang iba ay naipaliwanag mismo ng Propetar sa kanyang mga salita, mga gawa, pagpapahintulot, pagbabawal at paghatol. Kilalang-kilala ito sa tawag na “Sunnah(Salaysay at gawain).

 

Ang Qur’an[4] at ang Sunnah[5] ay ang pangunahing batayan ng patnubay at panuntunan ng buhay para sa mga isinusuko ang kanilang buhay sa AllahU. Ang mga taong sumusunod sa patnubay at panuntunan ng buhay na ito ay pinangakuan ng AllahU na maliligtas sa mundong ito at sa kabilang buhay.

 

Mga Hamon

 

Nang tinawag ng Propetar ang mga tao sa landas ng AllahU, hindi lahat sa kanila ay nakinig sa kanyang panawagan. Karamihan sa mga tumanggap sa kanyang panawagan ay mula sa kanyang pamilya at sa karaniwang tao sa lipunan. Sina Khadijah, Zayd at Bilal ang mga unang tumanggap ng Islam. Nang pinag-ibayo niya ang kanyang layuning pagpapalaganap (Da’wah)[6], sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag sa panuntunan ng buhay na kanyang ipinangangaral, dumami ang kanyang tagasunod. Kasabay nito kinakailangang harapin niya ang pag-tutol ng mga matataas na pinuno sa kanilang lipunan dahil sa kanilang pangamba na nanganganib ang kanilang katungkulan sa lipunan. Sila’y nagkaisa sa pagtutol sa panawagan ni Muhammadr at mariing ipagtanggol ang relihiyon ng kanilang mga ninuno.

 

Lalong sumigla ang iilang tao na yumakap sa Islam nang ang isang maliit na pangkat ng iginagalang na mga tao sa Makkah ay sumama sa bagong relihiyon.

 

Kilala sa kanila ay sina Uthman bin Affan, Zubair bin Al-Awwam, Abdu Ar-Rahman bin Awf, Talha bin Ubaydillah, Sa’d bin Abi Waqqas, Arqam bin Abi Arqam, Ubaydillah bin Harith, Aa’id bin Zayd, Amr bin Nufail, Fatimah (the wife of Nufail), Asma binti Abu Bakr, Abdullah bin Mas’ud, Ja’far bin Abi Talib at iba pa. Bago pa yumakap sa Islam ang pangkat na ito, si Abu Bakr ang isa sa mga unang tagasunod na likas na hinangaan ng Propetar. Ang sabi ng Propetar sa kanya: “Wala akong ibang inanyayahan sa pananampalataya (Islam) na hindi nagpakita ng ano mang pag-aalinlangan sa pagyakap nito maliban kay Abu Bakr. Nang inalok ko ang Islam sa kanya'y hindi siya nag-pakita ng kahit anong pag-aalinlangan sa pagtanggap nito”.

 

Dahil sa mga paghamon at pagtutol mula sa mga hindi naniniwalang Makkan[7], may mga Muslim[8] na nakaranas ng labis na pagpapahirap, pang-aapi, pagkaka-hiwalay at embargo. Ang Propetar ay nagtiis at pinangalagaan ang kapakanan ng mga Muslim. Hiningi niya kay Negus, ang Hari ng Ethiopia na payagan ang mga Muslim na dumayo sa kanyang bansa. Malugod na tinanggap ni Negus ang mga Muslim na dumayo sa kanyang lupain at tumangging ibalik sila (mga bagong Muslim) sa kamay ng mga Pinuno ng Makkah na tumutugis sa kanila.

 

Pandarayuhan (Hijrah)

 

Nawala sa Propetar ang dalawang mahahalagang tao sa kanyang buhay. Sila ay ang kanyang mapagmahal na amaing si Abu Talib, at ang kanyang tapat at mapagmahal na asawa na si Khadijah. Pagkaraan ng kanilang pagkamatay, naramdaman ng mga Makkan na maaari na nilang gawin ang lahat ng kanilang nais sa Propetar at ang kanyang mga taga-sunod.

 

Sa Makkah, naroon ang “Ka’bah” na itinayo nina Propeta Ibrahim at Ismael maraming siglong taon ang nakalipas bilang isang banal na lugar para sa pagsamba sa Diyos (AllahU), ang Bukod-Tanging Nagiisa. Datapwa’t sa pagkaraan ng mahabang panahon, ang lugar ay ginawang sambahan ng mga diyus-diyusan. Dinagdagan pa ito ng maraming ritwal mula sa sarili nilang kaugalian. Malimit ang kanilang pag-dalaw dito ng ilang buwan sa isang taon para sa paglalakbay. Sila’y galing sa iba’t ibang bahagi ng Arabia, na kinakatawan ng mga tanyag na tribo. Ang paglalakbay sa banal na lugar, sa kabila ng pagiging bahagi nito ng pamantayang pangrelihiyon, ay ginawang taunang pagdiriwang ng mga Arabo upang magkita-kita at magpakalayaw sa kanilang kultura at kaugalian. Ginamit itong pagkakataon ng Propeta Muhammadr upang ipalaganap ang Islam.

 

Kabilang sa mga tumanggap sa kanyang panawagan ay ang isang pangkat mula sa Yathrib, isang lugar sa hilagang bahagi ng Arabia. Sila, kasama ng ilang Muslim sa Makkah ay nakipagkita nang palihim sa Propetar sa isang nayong tinatawag na “Aqabah”. Pagkatapos nilang yumakap sa Islam at naging mga Muslim, nanumpa silang maging matapat sa pagta-tanggol sa Islam, sa Propetar, at sa mga Muslim sa Makkah.

 

Sa sumunod na taon, muling dumating ang pangkat ng mga Muslim na taga-Yathrib sa Makkah. Sila’y naki-pagkita sa Propetar sa dating lugar na pinagtagpuan noong nakaraang taon. Sa pagkakataong ito, si Abbas bin Abd Al-Muttalib[9], ang amain ng PropetaU ay naroroon sa pagtatagpo. Inanyayahan nila ang Propetar at ang mga Muslim sa Makkah na mangibang-bayan sa Yathrib. Nangakong pakikitunguhan sila bilang mga tunay na kapatid. Isang mahabang usapan sa pagitan ng mga Muslim na taga-Yathrib at ng amain ng Propetar upang tiyakin na malugod nilang tatanggapin ang mga Muslim na Makkan sa kanilang bayan. Sa huli, sumang-ayon na rin ang Propetar na isagawa ang isang malaking pagdarayuhan sa bagong bayan.

 

Nang nalaman ng mga Makkan (hindi naniniwala na taga-Makkah) ang binabalak ng mga Muslim na umalis, sinikap nilang pigilan sila nguni't may naunang pangkat ang nangibang bayan na sa Yathrib. Nangamba ang mga di-naniniwalang mga Makkan na ang pangingibang bayan ng mga Muslim ay magbibigay ng bagong himpilan sa pagpapalaganap ng Islam.

 

Sa loob ng dalawang buwan, halos lahat ng mga Muslim sa Makkah ay nangibang bayan na sa Yathrib maliban sa Propetar, Abu Bakr, Ali at ilan sa mga mahihina at walang kakayahan. Napagpasyahan ng mga Makkan na patayin ang Propetar. Sila’y nagbalak, nguni't ang AllahU ay nagbalangkas din (ayon sa taludtod sa Qur’an). Sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan at mahusay na panukala, ang Propetar ay mapayapang nakarating din sa wakas Propetar sa Yathrib. Ang pook na ito ay tinaguriang “Madinah Al-Rasul[10].

 

Ang Bagong Panahon

 

Sa Madinah, malayang nakapagpalaganap ng Islam ang Propetar. Ang tagasunod ng Islam ay dumarami araw-araw. Subali’t hindi natigil ang masamang pakikitungo sa kanila ng mga Makkan. Ilang pagsasagupa ang naganap sa pagitan ng mga Makkan at ang mga Muslim. Minsan ang digmaan ay napanalunan ng mga Muslim, minsan ang mga Makkan. Nakipagdigmaan din sa mga Byzantine at sa Persia bilang pagtatanggol sa Islam at mga Muslim. Ang pakikipagsagupa sa mga Makkan ay pansamantalang natigil pagkatapos ng ‘Kasunduan ng Hudaibiyah’ na nilagdaan ng mga Muslim at ang mga Makkan.

 

Ang mga Muslim sa Madinah ay lumagda ng mga kasundauan sa mga Hudyo ng Madinah at mga tribo sa paligid ng lungsod. Ang mga Hudyo ay sumira sa kasunduan na siyang naging dahilan upang sila’y palayasin sa Arabia noong kapanahunan ni Khalifa Umar.

 

Sa Madinah, ang Propetar ay nagtagumpay sa pag-tatag ng Islam bilang Panuntunan ng Buhay sa ganap nitong kahulugan. Hindi lamang siya nagbi-bigay ng patnubay sa ‘Salat’ (pagdarasal), ‘Zakat’ (pagbibigay ng kawang-gawa), ‘Sawm’ (pag-aayuno) at ‘Hajj’ (pag-lalakbay sa Ka’bah sa Makkah), at mga halimbawa sa bagay na ito, bagkus nagbigay din sa mga Muslim ng ‘Tuntunin at ‘Batas’ na sumasaklaw sa Panlipunan, Pangkabuhayan, at sa mga larangan na ukol sa Mamamayan o Pamahalaan.

 

Mga Kinatawan

 

Doon sa Madinah, ang Propetar ay tumanggap ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tribo at bansa na humihingi ng talakayan, pag-aayos at kasunduan. Kabilang dito ay ang kinatawan ng mga Kristiyano sa bayan ng Najran (sa timog Arabia). Malugod silang tinanggap ng Propetar, inistima bilang mga mararangal na panauhin at pinayagan ding isagawa nila ang ritwal ng kanilang relihiyon sa kanyang lungsod. Isang magandang pagkakataon upang talakayin ng bawat isa ang kanilang pananaw sa mga bagay na nauukol sa relihiyon.

 

Ang Pagpapalaya sa Makkah

 

Ang ‘Kasunduang Hudaibiyah’ ang nagbigay ng malaking pagkakataon sa mga Muslim upang magbigay ng tunay na halimbawa ng pansariling asal na nababatay sa Islam at ang ugnayan sa lipunan. Datapwa’t ang kapayapaan ay hindi nagtagal dahil sa pakikitungo ng mga pinuno ng mga Makkan na sumira sa kasunduan. Hindi nagtagal, tahimik na pumasok kasama ang libu-libong mandirigma ang Propetar sa Makkah noong ika-8 taon pagkaraan ng panahon ng pangibang bayan sa Madinah (Hijra). Ang mga Makkan ay hindi nagbigay ng anumang pagtutol at ang buong lungsod ay sumuko sa Propetar. Kanyang ipinahayag ang pangkalahatang pagpapatawad sa lahat ng kanyang kaaway at ang lahat ng mamamayan ng lungsod ay pinakitunguhan nang may kagandahan at kabutihang loob. Ipinahayag ito sa Banal na Qur’an:

 

Kapag dumating ang tulong ng Allah at ng Tagumpay, iyong matutunghayan ang mga taong nagsisipasok sa pananampalataya ng Allah (Islam) nang maramihan. Kaya ipagdiwang ang mga papuri sa iyong Panginoon at hilingin ang Kanyang kapatawaran. Katotohanan Siya ang Lagi nang (tumatanggap ng pagsisisi at) Nagpa-patawad. [Qur’an 110:1-3]

 

Pagkatapos ng pagpapalaya sa Makkah, lahat ng mga natitirang tribo sa Arabia ay namulat sa katotohanan ng Pananampalatayang Islam. Ang mabuting halimbawa ng pagpapatawad, pagpapaubaya, katarungan, kainaman, katapatan at iba pang huwarang katangian ng Propetar at ng kanyang mga kasamahan ang siyang nagpalambot sa puso ng libo-libong tao na naging Muslim.

 

Ang Pamamaalam ng Propetar  sa Hajj

 

Dumating ang panahon na ang lahat ng bahagi ng Arabia ay naging lupain ng Islam. Hinangad ng Propetar na isagawa ang paglalakbay sa Banal na Ka’bah (Hajj). Ipinahayag niya ang kanyang hangarin sa mga Muslim sa Madinah at ang mga lugar sa paligid nito. Inaanyayahan silang sumama sa kanya. Ito ang tanging Hajj na kanyang isinagawa sa tanang buhay niya.

 

Sa pagkakataong ito sinikap niyang ihatid sa lahat ng naparoong kasama niya at sa sangkatauhan sa buong mundo ang tungkol sa Hajj at sa Banal na Balita na ipinahayag sa kanya ng AllahU para sa sangkatauhan.

 

Isang malaking pagtitipon ng Ummah (lipunang Muslim) sa huling pagpapaalam ng Propetar sa isinagawang Hajj. Ang “Hijat Al-Wada” (farewell) na sermon ay tinalumpati ng Propeta Muhammadr sa bundok ng Arafat mga 81 o 82 araw bago siya pumanaw. Naglalaman ito ng mga pangunahing bagay sa Islam. Habang nakasakay sa kanyang kamelyo, nagsalita siya sa malinaw na boses at hiningi sa mga nakikinig sa kanyang talumpati na ipaabot ang mensahe sa lahat ng tao na wala roon:

 

O tao, makinig sa akin, dahil hindi ko alam na pagkatapos ng taong ito’y makakasama pa ninyo ako. Kaya makinig nang mabuti sa aking ipahayag sa inyo at dalhin ang mga ito sa mga hindi naririto ngayong araw na ito.

 

O tao, gaya ng inyong pagsa-alang-alang sa buwang ito, ang araw na ito, ang lungsod na ito na banal, kaya isaalang-alang ang buhay at ari-arian ng bawat Muslim ay tiwalang banal. Ibalik ang mga ari-arian na ipinag-katiwala sa inyo sa mga nagmamay-ari. Huwag manakit, para kayo ay hindi saktan. Alalahanin na inyong maka-kaharap ang inyong Panginoon, at Kanyang huhus-gahan ang inyong mga gawa. Ang inyong Panginoon ay pinag-bawalan kayong makibahagi sa anumang uri ng patubuan (Usury), kaya lahat ng uri ng patubo ay dapat talikdan.

 

Mag-ingat kay Satanas, para sa kapakanan ng inyong relihiyon. Siya’y nawalan ng pag-asa na iligaw kayo sa malalaking kasalanan, kaya mag-ingat sa mga maliliit na bagay na nagdudulot ng pagkakasala..

 

O tao, totoong may karapatan kayo sa inyong mga kababaihan, subali’t alalahanin ninyo na sila rin ay may karapatan sa inyo. Kung sila’y manatiling tapat sa inyong karapatan, sa kanila ang karapatan na damitan at pakainin nang maayos. Pakitunguhan nang mabuti ang inyong mga kababaihan at maging mabait sa kanila, dahil sila ang inyong kasama at mapagkakatiwalaang kaagapay. At karapatan ninyo na huwag silang makipagkaibigan sa kanino man nang wala kayong pahintulut, at kailanman ay huwag silang maki-apid.

 

O tao, makinig sa akin nang taimtim, sambahin ang Allah, isagawa ang limang beses na pagdarasal, mag-ayuno sa buwan ng Ramadan, magbigay ng Zakat, at isagawa ang Hajj kung may kakayahan. Batid ninyong ang bawa't Muslim ay magkakapatid sa isa’t isa. Kayo’y magkakapantay. Walang sinuman ang nakahihigit sa iba maliban sa mga may takot sa Allah at may mabubuting gawain.

 

Alalahanin, darating ang araw na haharap kayo sa Allah at pananagutan ang inyong mga gawain. Kaya mag-ingat, hawag lumihis sa tuwid na landas pagkatapos ng aking kamatayan.

 

O tao, walang Propeta o Sugo na darating pagkatapos ko at walang bagong pananampalataya ang sisilang. O tao, maging makatwiran, at intindihin ang aking mga pa-hayag. Iiwanan ko ang dalawang bagay, ang “Qur’an” at ang aking “Sunnah” at kapag inyong pinanghawakan ito, kailanma'y hindi kayo mawawalay sa tuwid na landas.

 

Kayong lahat na nakinig sa akin, ipahayag ninyo ang aking mga pangungusap sa iba, at sila nama'y sa iba. At sana, ang mga huli ay mauunawaang mabuti ang aking mga pahayag kaysa sa mga nakinig sa akin nang harapan. Kayo ang aking magiging saksi sa Allah, na aking nai-paabot ang pahayag sa inyo.

 

Ang kahalagahan ng pangaral na ito ay nagpapahiwatig na bilang na ang natitirang araw ng Propeta. Kanyang naramdaman na ito ang tamang panahon upang pagtibayin ang Panuntunan ng Islam sa kanyang mga tagasunod.

 

Sa pagiging ganap ng relihiyong ito, nangangahulugan lamang na hindi kailangan ng sangkatauhan lalo na ang mga Muslim, na umasa pa sa ibang pagpipiliang pamamaraan ng pamumuhay. Walang sinuman ang lilihis sa tuwid na landas habang nananatiling matapat sa dalawang bagay na iniwan ng Propeta Muhammadr (Ang Qur’an at ang Sunnah ng Propeta).

 

Ang Pagpanaw

 

Sa halos dalawang buwan pagkaraang dumating sa Madinah mula sa paglalakbay sa banal na Ka’bah[11] sa Makkah, ang Propetar ay nagkasakit. Magkagayun-ma’y naisasagawa pa rin niya ang pagdarasal sa Masjid[12] at nagbibigay ng pamamatnugot sa mga Sahabah[13]. Ang kanyang kalusugan ay lumalala araw-araw. Sa huling sandali, sinabihan niya si Abu Bakr na pangunahan ang Salah sa Masjid. Bawat kasapi ng kanyang sambahayan at bawat Sahabah ay nag-aalala sa kanyang kalagayan. Lunes ika-12 ng Rabi’ Al-Awwal, taong 11 pagkaraan ng Hijrah, pumanaw siya sa edad na 63.

 

Maraming tao ang hindi naniniwalang pumanaw na siya. Kanilang inakala na ang Propetar ay mananatiling buhay nang walang hanggan. Si Abu Bakr ay may hinuha na nalalapit na ang kamatayan ng Propeta pagkatapos ng kanyang talumpati sa panahon ng Hajj (pelegrinasyon) sa Makkah. Siya ang kumumbinsi sa nagtipong mamamayan na ang Propetar ay tunay ngang pumanaw na. Sinabi ni Abu Bakr sa pagtitipon na kung sumasamba sila kay Muhammad, si Muhammadr ay pumanaw na at kung sila’y suma-samba sa AllahU, Siya’y buhay magpakailanman. At kanyang ipinahayag ang taludtod sa Qur’an:

 

Hindi hihigit sa isang Sugo si Muhammad at tunay na maraming Sugo ang nagsipanaw na nauna sa kanya.  Kung siya man ay mamatay o mapatay, babalik ba kayo sa pananampalatayang inyong kinagisnan? At sinumang bumalik sa dati niyang pananampalataya ay hindi niya kailanman madudulutan ng anumang pinsala ang Allah. At gagantimpalaan ng Allah ang mga Shaaker (mapag-pasalamat sa Allah). [Qur’an 3:144]

 

Ang Patnubay

 

Bilang isang tao, si Muhammadr ay namatay, nguni't bilang isang Propetar nag-iwan siya ng pamamatnubay, ang Qur’an at ang Sunnah. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng katatagan sa dalawang bagay na ito. Katulad ng kanyang ipinahayag sa kanyang pamamaalam noon sa bundok ng Arafat, upang ang tao ay hindi kailanman lilihis sa tuwid na landas.

 

Kung ang mga katuruang iniwan ng Propetar ay isasagawa at isasabuhay nang tapat ay magdudulot sa mga naniniwala nito ng masayang buhay sa mundong ito at bukod pa dito ang di-masukat na gantimpala na matatanggap sa kabilang buhay. Sa ganitong pagka-unawa, saklaw ng Islam ang lahat ng makamundong gawain ng sangkatauhan. Ang kabilang buhay ay karugtong lamang ng makamundong buhay na ito. Mahirap ipahiwatig na ang tao ay maliligtas sa kabilang buhay na hindi muna naligtas sa mundong ito. Ang ligtas na daan ay ang pagsunod sa mga landas na ipinakita sa atin ni Propeta Muhammadr. Nang tanungin ang asawa niyang si Aisha ng mga Sahabah tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng Propetar, ang sagot ni Aisha: "Ang kanyang buhay ay ang Qur’an, ang patnubay na mula sa AllahU, at si Muhammadr ay binigyan ng kapangyarihan ng AllahU upang ipaliwanag ito. Kaya ang kanyang mga gawain ay ang huwarang pantao." Ang Islam, na ipinalaganap ni Propeta Muhammadr ay kadalasang itinuturing ng iba bilang isang relihiyon lamang ng seremonyas kagaya ng Salah (ng limang ulit sa isang araw), Sawm (pag-aayuno) sa buwan ng Ramadan, Zakat, at pagsasagawa ng Hajj.  Subali’t ang mga pag-babago sa daigdig ang siyang nagbigay ng pagkakataon upang unawain ang Islam sa lalong malawak na pananaw na sadyang taliwas sa makitid na pananaw ng iba.

 

Ang Pangkabuhayan

 

Sa pagsulong ng pangkabuhayan, ang hangad ay hindi lamang ang makamundong kapakinabangan bagkus sa pangkalahatang kapakanan ng tao. Hinihikayat ng Islam na ang pagtitimbang sa pagitan ng kinakailangang bihisan at kaayusang pampisikal, sa pagitan ng pansarili at panlipunang pangangailangan, na panatilihing nasa tamang ayos upang bawasan ang puwang ng dalawang magkasalungat na kalagayan ng tao ng sanlibutan. Nabanggit sa Qur’an:

 

Sabihin, Sino ang nagbawal sa paggayak ng mga kasu-utan na ipinagkaloob ng Allah, na Kanyang ibinigay para sa Kanyang mga alipin, at sa mga At-Tayyibat (lahat ng uri ng pinahihintulutang bagay) sa pagkain? Sabihin: Ang mga iyon ay para sa mga naniniwala sa buhay sa mundong ito (kahit na ang mga di nana-nampalataya ay magkakaroon ng bahagi dito), (subali’t) tanging para sa kanila (na mga mana-nampalataya ang Aming biyaya) sa Araw ng Muling Pagkabuhay.  Gayon Namin ipinalili-wanag nang mabuti ang mga Ayat (batas Islamiko) para sa mga taong nakababatid (sa mga dapat nilang pakinabangan). Sabihin: (Nguni’t) Ang mga bagay na tanging ipnagbabawal ng aking Panginoon ay mga Al-Fawahish (masasamang/malalaswang gawain at lahat ng uri ng pangangalunya) maging ito man ay ginagawang hayagan o lihim; at ang mga gawang pa-glabag sa mga kautusan ng Allah; at ang di-makata-rungang pang-aapi; at ang pagtatambal ng iba (sa pagsamba) sa Allah nang walang anumang katibayang ibinaba; at ang pagsasabi ninyo ng mga bagay tungkol sa Allah na wala kayong kalaaman (katulad ng pagbabawal ninyo ng isang bagay na hindi naman Niya ipinagbawal)  [Qur’an 7:32-33]

 

Kaya lahat ay malayang magkaroon ng anumang hanap-buhay hangga't malayo sa ipinagbawal niya. Lahat ng mabubuting katangian na kinakailangan sa isang matagumpay na kabuhayan ay may patnubay ang Islam.

 

Ang Propetar ay isa ring mangangalakal bago siya ginawang Sugo ng AllahU. Ang kanyang kakayahang pangasiwaan ang kalakal ay kahangahanga. Ang kanyang pagiging makatarungan at matapat sa kanyang pakikitungo sa mga tao ang siyang bumihag sa puso ng may-ari ng pangangalakal na si Khadijah na sa bandang huli ay naging asawa niya. Hinikayat ni Propeta Muhammadr ang mga Muslim na sundin ang pangaral ni Propeta David sa kasipagan, na magmula sa sariling pawis ang ikinabubuhay. Sinabi rin niya na ang paniniwala ng isang Muslim ay hindi ganap, kung siya ang hindi marunong sa kanyang gawain. Kanyang sinabi:

 

Kung ipagkatiwala mo ang mga gawain sa hindi marunong, ikaw ay naghihintay ng malaking sakuna. 

 

Kapag siya’y nagtrabaho sa pagawaan, ang kanyang mga gawa ay magkaugma sa gawa ng ibang pagawaan. Upang maipagbili, kinakailangan naangkop sa kagustuhan at kakayahan ng mga mamimili. Sa ganitong dahilan, itinuturo ng Islam na iwasang mandaya sa mga paninda. Sa kapanahunan ng Propetar, marami siyang nalaman sa pamilihan na kung saan ang mga mangangalakal ay nagsusumikap dayain ang mga mamimili. Kanyang sinabi sa kanila:

 

Kung sino man ang mandaya, siya ay hindi nabibilang sa atin. [Sahih Muslim] 

 

Ang Islam ay nagtatag ng maraming pamantayan sa larangan ng pangkabuhayan katulad ng pangangalakal, paupahan, bilihan, pakikipagsundo sa gawain at marami pang iba upang maiwasan ang di-makata-rungang pakikitungo sa sambayanan at sa lahat ng hanapbuhay sa pangkalahatan. Isa sa mga iniingatan ng Islam ay ang makasarili at pagsasamantala ng ilan sa kapinsalaan ng ibang tao.

 

Ang Kalinisan

 

Ang isa sa pangunahing bagay sa relihiyon na dala ni Propeta Muhammadr ay ang pangalagaan ang kalinisan. Ayon sa pang-unawa ng Islam sa kalinisan, saklaw nito ang pisikal, pangkaluluwa, materyal at pananampalataya.

 

Sa utos ng Islam, bago isagawa ang anumang seremonya, kinakailangang maging malinis sa katawan, damit, at lugar ng pagsasambahan.  Ang kapaligiran ay kailangang manatiling malinis.

 

Bago simulan ang pagdarasal o kaya’y paglalakbay sa banal na Ka’bah (Hajj o Umrah), kinakailangang maglinis (Wudho). Sinumang nakipagtalik sa asawa, ay kinakailangang paliguan ang buo niyang katawan (Ghusul). Kailangan din ito sa kababaihan kapag natapos na ang kanilang pagdurugo dahil sa regla o panganganak.

 

Sa tuwing isagawa ang limang beses na Salah sa buong maghapon, bawa’t Muslim ay kinakailangan munang maglinis ng ilang bahagi ng katawan kabilang ang mukha, kamay, paa, bunganga, ilong at tainga. Ito rin ay nagsisilbing paalala sa mga Muslim na manatiling malinis ang kanyang kaluluwa at malaya sa anumang mga ipinagbabawal na gawain.

 

Ang kalinisan ay hindi lamang pisikal. Ang sarili ay kinakailangan ding maging dalisay sa mga masasamang gawain na sumisira sa ating ugnayan sa ibang tao at sa AllahU. Kinakailangang linisin ang isipan sa anumang masasamang hangarin o gawaing ipinagbabawal. Kinakailangang malaya ang puso sa inggit, pagkukunwari, at iba pang masasamang hangarin. Dapat lamang maging larawan ng pag-asa, katapatan, mapagpatawad, mahabagin, kabanalan, kapatiran, mabuting kapitbahay, at iba pang mga dakilang katangian.

 

Pinangangalagaan din ng Muslim ang kanyang mga pang-araw-araw na kinakain laban sa lahat ng pag-kaing nakasasama sa kalusugan pangmedisina man o pangrelihiyon. Iniiwas ang kanyang mga mata, tainga, at dila sa kasamaan. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga dakilang katangian ni Propeta Muhammadr.

 

Para sa pagpapadalisay sa ating mga ari-arian, itinatag ng Islam ang panuntunan ng “Zakat”. Kapag ang halaga ng natitirang ari-arian na sakop ng Zakat ay umabot sa ‘Nisab’[14], ang pagbabayad ng Zakat ay ipi-nag-uutos ng AllahU sa kapakanan ng mamamayang Muslim at ang sangkatauhan sa pangkalahatan.

 

Sinumang may naipon sa loob ng isang taon nguni't hindi umabot sa sukat ng Nisab, maaari rin siyang magbigay ng kawanggawa sa mga mahihirap bagaman boluntaryo na lamang ito. Hindi nangangahulugan ito na ang may kakayahan lamang ang magbigay ng kawanggawa sa mahihirap bagkus hinihikayat din ang ibang magbigay ng kawanggawa na naaangkop sa kanilang kakayahan.

 

Ang Propeta Muhammadr ang nagsabi:

 

Ang kamay sa itaas (tagapagbigay) ay nakalalamang kaysa sa kamay sa ibaba (ang tumatanggap ng tulong).

 

Kung mauunawaan lamang ng tumatanggap ng Zakat ang sinabi ni Propeta Muhammadr sisikapin niyang siya ang maging tagapagbigay kaysa sa tagatanggap sa pamamagitan ng pagpupunyagi sa higit na magandang pamumuhay na naaayon sa katuruan ng Islam.

 

Sa Islam, ang pag-aari ng maraming kayamanan ay hindi nakadaragdag sa karangalan ng tao. Gayundin naman, ang karukhaan ng tao ay hindi nagpapababa sa kanyang antas sa lipunan. Tunay na ang yaman ay kinakailangan ng tao upang mabuhay sa mundong ito, nguni't ito ay isa lamang sa pamamaraan, hindi ang katapusan. Ang katapusan ay ang kaligayahan sa buhay na ito na makakamit sa pamamagitan ng maha-halagang asal at hindi nangangahulugan ng pag-talikod sa paghahanap ng yaman upang may ikakabuhay.

 

Kabilang sa mga dakilang kahalagahan ng Islam ay ang pag-uutos sa paggawa ng mabuti at ang pagbabawal ng paggawa ng masama. Ang kabutihan ay pinangangalagaan at ang kasamaan ay itinatakwil. Sa maikling pananalita, ang Islam ay tunay na binubuo ng mga utos at mga pagbabawal. Lahat ng mga utos at pagbabawal ay nakabubuti sa sangkatauhan. Ang AllahU ang higit na Nakaaalam, ang Mahabagin, ay hindi magtatakda ng anumang batas at panuntunan maliban sa kabutihan at sa kapakanan ng Kanyang nilikha.

 

Ang mga ipinagbabawal ay kinakailangan iwasan dahil sa mga kasamaang idudulot nito sa sangka-tauhan. Ang kasamaan ay nilikha bilang pagsubok sa budhi ng tao at paghamon sa kanilang kusang-loob na pamimili sa tama at mali.

 

Ang lahat ng utos at pagbabawal mula sa AllahU na ipinadala sa Kanyang Propeta Muhammadr ay naglalayong padalisayin ang pantaong kaluluwa upang mamuhay nang malinis kaakibat ng pagsamba niya sa Nag-iisang AllahU (Diyos).

 

Ang Kaayusan

 

Isa sa mga katuruan ng Islam ay ang tungkol sa kaayusan. Ang disiplina, panuntunan, pangangasiwa, pagpaplano at marami pang ibang katawagan na may kaugnayan sa pagsasaayos ay malimit na binibigyan ng pananaw na tila baga bago sa Islam. Sa katunayan ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na mamuhay sa kaayusan at ilagay ang tamang bagay sa dapat na kalalagyan. Ang saligan ng kaayusan sa Islam ay mula sa pangunahing dalawang panuntunan:  ang paniniwala sa nag-iisang Diyos at ang kaisahan ng sangkatauhan. Lahat ng batayan ay nasasaad sa Qur’an, at isinabuhay ni Propeta Muhammadr ang mga mahahalagang tuntunin sa ganoong kaayusan.

 

Kabilang sa mga dakilang kahalagahan na itinuturo ng Islam ay ang tamang paggamit sa nalalabing panahon ng sangkatauhan. Nabanggit sa Qur’an at Sunnah (Tradisyon) ang tungkol sa panahon, araw, linggo, buwan, taon at siglo. Ang tao ay maliligaw ng landas kapag hindi niya ginamit sa paggawa ng mabuti ang panahon ng kanyang pagkabuhay dito sa lupa. Isang malaking kawalan kung ang tao ay nag-aksaya ng mahahalagang panahon sa mga walang kabuluhang gawain. Tunay na ang buhay ay nararapat na kasiya-siya ngunit hindi sa paraang nakasisira sa kalikasan at makalalabag sa karapatang pantao.

 

Ang AllahU ang lumikha ng panahon at kalawakan na naangkop sa gawain ng sangkatauhan upang makamit nila ang kanilang minimithi sa buhay. May panahon ng trabaho, pag-aaral, paglilibang, pagpapahinga at maging ang pagdiriwang. Lahat ay bahagi ng gawaing pagsamba sa AllahU at pagsisilbi lamang sa Kanya. Nasabi ng AllahU sa Qur’an na Kanyang nilikha ang araw upang magtrabaho at kumita, at ang gabi upang magpahinga at magdiwang. Kanyang nilikha ang araw, ang buwan at ang mga bagay-bagay sa kalawakan bilang palatandaan ng tao sa panahon at kalendaryo. Sa pagkakaroon ng pamantayang oras at pamantayang kalendaryo at ang galaw ng mga bagay sa Astronomiya, ang tao ay nagkaroon ng tuntunin sa kanilang tala-orasan sa pamimili ng tamang sandali ng pagsasagawa ng tungkulin at ibang gawain.

 

May mga oras na ipinag-uutos ng Islam para sa pang-araw-araw na pagdarasal, buwan ng Ramadhan para sa itinakdang tungkuling pag-aayuno at may mga panahon sa buwan ng Dhul-Hijjah upang isagawa ang Hajj. Mapapagtanto dito na ang relihiyong dala ni Propeta Muhammadr ang naglagay sa buhay ng mga Muslim ng kaayusan. Sa bawa’t galaw, pakikitungo, gawain at pagdiriwang ng Muslim may mga tuntuning namamahala nito, maging ito man ay sa pamamaraang pangangaral, pangkaluluwang pamamatnubay, o kau-tusan. Kung ang lahat ng pamamatnugot na ito ay nasusunod at maayos na naiintindihan, ang tao ay magkakaroon ng disiplina at maayos na pangangasiwa sa buhay.

 

Hinihimok ng Islam ang tao na mag-isip nang mabuti bago gumawa ng anumang bagay. Ito’y nangangahulugan ng sapat at tamang panukala. Maraming taludtud sa Qur’an na nagpapaalaala laban sa pag-gawa ng anumang bagay na kulang sa panukala at ang madaliang pagpapasiya.

 

Ang Propetar ay nagpakita ng magagandang halimbawa sa pagtupad ng pangako at manatiling tapat sa anumang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.

 

Bilang isang marangal na tao, siya ay nanatiling tapat sa panuntunan ng kasunduan, na naglalarawan ng kanyang dakilang disiplina at pagnanais na gawin nang maayos ang lahat ng bagay.

 

Ang Pagkamabait

 

Si Propeta Muhammadr ay mapagmahal at tapat na kaibigan. Mahal niya ang kanyang mga Sahabah. Kanyang binabati ang lahat, kakilala man o hindi. Pinakitunguhan niya ang lahat ng tao sa kanyang paligid nang may kabaitan at pagmamahal.

 

Siya’y magalang sa lahat ng kanyang nasasalubong. Kailanma’y hindi niya sinalungat ang sinumang hindi sumasang-ayon sa katuruan ng Islam. Pinakitunguhan niya nang pantay ang mapagkumbaba at ang mapag-mataas. Siya ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi at namuhay siyang kasama ang mga Sahabah na para bang hindi siya ang kanilang pinuno.

 

Ang Pagkikipagkapitbahay

 

Si Propeta Muhammadr ay may mataas na paggalang sa kanyang mga kapitbahay. Itinuturing silang parang mga tunay na kapatid dahil sa kanilang pagkakalapit at naninirahan sa parehong lugar. Minsan naamoy niya ang masarap na amoy ng sopas na niluluto ng kanyang asawa. Sinabihan niya na bigyan ang mga kapitbahay na nakaamoy din nito. Sinabi niya na hindi nababagay sa isang Muslim na matulog nang busog pagkatapos ng masarap na pagkain samantalang ang kanyang kapitbahay ay nagugutom. Kanyang itinatag ang batayan ng mabuting pakikitungo at pakikipagka-isa sa mga kapitbahay. Nagbigay siya ng halimbawa na ang pakikipagkapitbahay ay may karapatan at pananagutan sa isa't isa. Hinggil sa karapatan ng kapitbahay, sinabi ng Propetar:

 

Tulungan mo siya kapag humingi ng tulong; bigyan siya ng ginhawa kapag humingi ng kaginhawaan; ipadama mo sa kanya ang iyong pagmamalasakit kapag siya’y may pagkabahala at kapag siya’y may sakit; dumalo sa kanyang libing kapag siya’y namatay; batiin siya kapag nagkamit ng tagumpay; damayan siya kapag may dumating na sakuna sa kanya; huwag mong takpan ang kanyang hangin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mataas na bakod o gusali nang wala siyang pahintulot; at huwag mo siyang ligaligin.

 

Ang Mabuting Pakikipag-kapwa

 

Isa siyang magandang halimbawa sa mga taong sumasang-ayon sa mapayapang sambayanan. Ipinag-uutos ng Islam sa mga tao na huwag lumabag sa karapatan ng iba o sirain ang kanilang kapakanan. Sa halip ay magtulungan sa isa’t isa at magdamayan.

 

Upang pangalagahan ang pagkakaisa at katatagan ng bayan, at upang makamit ang kabutihan at kapakanan ng sambayanan, ipinagbabawal ng Islam ang pagtatalo ng lipunan, paninirang-puri sa isa’t isa, at pananakit sa iba maging sa pamamagitan ng kamay o dila.

 

Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na dalawin ang may sakit, tulungan ang nangangailangan at mahihina. Ang Islam ay hindi nagbibigay ng pagtatangi-tangi batay sa lahi, kulay o wika. Ang panawagan ay sa buong sanlibutan.

 

Ang mga Kababaihan

 

Si Propeta Muhammadr ay nagdala ng mga batas at pag-uutos sa ikabubuti ng mga kababaihan. Ang babae ay kinikilala ng Islam bilang matapat na kaakibat at kasama sa paglalang ng tao. Ang ama at ang ina ay kapwa mahalaga sa buhay. Ang tungkulin ng kababaihan ay parehong mahalaga sa tungkulin ng kala-lakihan. Sa kanilang samahan (lalaki at babae), kapwa sila patas sa lahat ng bagay; patas sila ng karapatan; patas ang ginagampanang tungkulin at kapwa sila may maraming magkatulad na katangian.

 

Magkapantay sila ng pansarili at pangkaraniwang tungkulin at ang pagtanggap ng biyaya sa kanilang gawain.

 

Ipinag-uutos ng Islam na magkapantay sila ng kara-patan sa paghahanap ng kaalaman. Walang binibigyan ng pagtatangi kahit kaninuman sa kanila.

 

May karapatan ang babae sa malayang pagpapahayag katulad ng lalaki. Ang kanyang makatarungang pani-niwala ay binibigyan ng pagpapahalaga at kailanma'y hindi pawawalang-saysay dahil siya ay babae.

 

Ang Islam ang nagbigay ng pantay na karapatan sa lalaki at babae na makipagkasundo (sa kalakal), mag-negosyo, kumita at magmay-ari ng pansarili. Ang kanyang buhay, karapatan, at dangal ay parehong karapat-dapat igalang katulad sa lalaki.

 

Ipinag-uutos ng Islam na ang mga kababaihan ay may karapatan sa pagmamana. Bago dumating ang Islam, ang kababaihan ay hindi lamang inalisan ng karapatan sa kanyang bahagi (sa ari-arian) kundi pati na rin ang kanyang sarili sapagkat itinuturing silang pag-aari ng lalaki.

 

Ang Pamahalaan

 

Nang dumating si Propeta Muhammadr sa Madinah, itinatag niya ang Pamahalaang Islam. Pagkatapos niyang itinatag ang pampulitikang kapatiran at ang kapangyarihan ng Pamahalaan sa Madinah, sinimulan niya ang pakikipag-usap sa ibang tribo sa paligid ng lungsod at nakipagkasundo sa kanila.

 

Nang ang mga Makkan ay nagsagawa ng sunod-sunod na paglusob sa Madinah, nagawa ni Propeta Muhammadr na harapin sila, at sa bandang huli ang mga Makkan ay natalo sa Digmaan ng Al-Khandaq (Kanal o Bambang). Nakipagkasundo siya sa kanila sa Hudaibiyah na tumagal ng sampung taon. Ang kasun-duang ito ay isang obra-maestra ng pangkaraniwang pangangasiwa sa pamahalaan sa panig ni Propeta Muhammadr.

 

Ang mahusay niyang pakikitungo sa pagpapadala at pagtanggap ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang tribo at dayuhang pinuno, ang makatarungan at mahusay niyang pagpapasya, at ang ‘Pangkalahatang pagpapatawad’ at ang pagpapalaya sa Makkah, ay ilan lamang sa mga katibayan ng kanyang dakilang pamamahala.

 

Ang pamahalaang itinatag niya sa Madinah ay hindi nagkataon lamang. Ito ang karaniwan niyang layunin na kanyang itatag ang pamahalaan upang ipatupad ang landas ng AllahU. Bagaman marami sa tao ang tumanggap ng bagong pananampalataya, nanganga-ilangan ng sapat na panahon para baguhin ang kanyang pag-uugali, kultura at paraan ng pamu-muhay. Isang kamalian na baguhin ang ganitong uri ng tao at ginagawa ito nang mabilisan at sapilitan pamamaraan. Kaya ang Pamahalaang Islam ay kinaka-ilangan upang pangalagaan ang panuntunan ng buhay na naaayon sa Shari'ah[15]. 

 

Ang kapangyarihan ng Pamahalaang itinatag ni Propeta Muhammadr ay pinatitibay ng hukbong sandatahan na kinakailangang itatag at buuin ng isang pamahalaan upang ipatupad ang kanyang tungkulin sa pagpapanatili ng batas, seguridad at pagpapatigil sa anumang pagsalakay at pang-aapi.

 

 

 

+++++ ==== +++++ ==== +++++

 

 

MGA SANGGUNIAN SA PAGSULAT

 

 

Ar-Raheeq Al-Makhtum - The Sealed Nectar

Biography of the Prophet

By: Safl-ur-Rahman Al-Mubarakpuri

 

The Life of Prophet Muhammadr

By: Abdulwaheed Khan

 

Muhammadr the Prophet of Islam

By: S. K. Ramakrishna rao

 

Tafsir Ibn Kathir (Abridge)

By: Hafiz Ibn Kathir

 

The Noble Qur'an

By: Dr. Muhammad Muhsin Khan

Dr. Muhammad Taqi-Uddin Al-Hilali

 

 

Fote Notes:

[1] r Sallallahu Alaihi Wassallam. Isang pangungusap na binabanggit sa tuwinang sasa-  bihin o maririnig ang pangalan ni Propeta Muhammadr, na nangangahulugan ng “Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at ilayo siya sa anumang paninira (derogatory things) at iligtas siya sa anumang masama (evil).”

 

[2] Allah - ang pangalan ng taga-paglikha, ang Diyos at Panginoon ng lahat ng nilikha, nakikita at hindi nakikita sa lahat ng mga daigdig at sa kalangitan. Ang Allah mismo ang nagsabi sa kanyang pangalan. [ U ] - ang kahulugan ay "Ang Kataastasan

 

 

[3] Ang huling Kapahayagang ibinigay ng Allah sa Kanyang huling Sugo na si Muhammad sa pamamagitan ni Anghel Gabriel sa loob ng 23 taon.

 

[4] Ang pahayag ng AllahU sa Propeta Muhammadr (Rebelasyon) na tinipon sa anyong Aklat na siyang    pangunahing patnubay sa mga Muslim.

 

[5]  Ang mga gawain, winika, pagpapaliwanag, at hatol ni Propeta Muhammadr.

 

[6]  Pagpapaliwanag at Pagpapahayag sa Kaisahan ng AllahU. Pagpapalaganap ng Islam.

 

[7]  Mga tao o Tribo ng Makkah. sa sulating ito, ang katawagang Makkan ay patungkol sa mga di-Muslim na tiga Makkah.

 

[8]  Mga taong sumusunod at sumasamba sa nag-iisang AllahU.

 

[9] Ang amain ni Propeta Muhammadr sa kabila ng pagiging hindi Muslim ay buong tapang at pagmamahal na tumaguyod at nagtanggol sa kanya.

 

[10]  Ang Lungsud ng Propetar. Dito nagsimula ang malaganap na pagyakap sa Islam ang mga tao mula sa iba’t ibang tribo sa Arabia.

 

[11] Kauna-unahang bahay dalanginan na itinayo ni Adam at ipinagpatuloy nina Ibrahim at Ismael. Ang pinakabanal na lugar sa Islam. Qibla o harapan ng mga Muslim sa Pagdadasal (Salah).

 

[12]  Bahay dalanginan ng mga Muslim.

 

[13] Mga malapit, mapagkatiwalaang tagasunod at kasamahan ni Propeta Muhammadr. Mga nakakita ng personal sa Propeta na naging Muslim at namatay sa estado ng Islam.

 

 

[14]  Ang itinakdang sukat sa halaga ng natitirang kayamanan.

 

[15] Batas Islamiko.

1
2484
تعليقات (0)