Ang Pagpapakasal

PLPHP

 

 

 

Sa Nglan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Pagpapakasal

[PLPHP]

 

 

Ang tanging ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae na pinahinhintulutan ng Islam ay ang kasal. Sinabi ni Propeta Muhammad:

 

“Nagiging ganap ang pananampalataya ng isang lalaki sa pag-aasawa.”

 

Ito ay tungkulin ng bawa't Muslim maliban lamang kung napigilan ito ng mga dahilang tinatanggap ng Shari'ah. Ang pamilya ay isang mahalagang institusyon, ang pangunahing bahagi at haligi ng sambayanan na maari lamang maitatag sa kasal o pag-aasawa. Samakatuwid, isa itong banal at kinakailangang pangalagaan laban sa anumang uri ng pinsala.

 

Ang kahalagahan ng institusyon o pag-aasawa ay inilarwan ng dakilang Propeta sa kanyang pagpapahayag:

 

"Ang pag-aasawa ay ang aking Sunnah. Sinuman ang hindi tatangkilik o lumayo dito ay hindi mula sa akin."

 

Ang pagmamahal sa pagitan ng lalaki at babae sa kanilang ugnayan ay magmulang mabubuo pagkatapos ng kasal at hindi bago nito. Ang katangiang pagtitiis, pagsasakrapisyo at katapatan ng isang nananampalataya ay hinuhubog ng Islam. Katulad ng pangkalahatang batas, ang mag-asawang lalaki't babae ay magkasamang mabuhay hanggang sa katapusan ng kanilang buhay, isang tuloy-tuloy na katapatan.

 

Ang ama ng babae ay hindi dapat ipagpaliban ang pag-aasawa ng kanyang anak kung ang alok ay mula sa lalaking mahusay sa kanyang pananampalataya at asal. Ang sabi ng Propeta:

 

"Tatlong bagay ang hindi maaring ipagpaliban: Salat - kapag dumating ang takdang oras, ang libing sa takdang oras, at ang pag-aasawa ng dalaga sa binata kapag inalok." [At-Tirmidhi]

 

Iniulat din na ang Propeta ay nagsabi:

 

Kapag dumating sa iyo ang isang binata (mag-alok ng kasal) na taglay ang mahusay na katangian sa pananampalataya at asal, tanggapin at pahintulutan mo, ipakasal ang iyong dalagang anak. Hangga't hindi mo ginagawa ito, magkakaroon ng fitnah sa sambayanan at malawakang kasamaan." [At-Tirmidhi]

 

Ang pag-aasawa sa Islam ay may mga bahagi kapwa sa Ibada (worship) sa Allah at mu'amalah (ang ugnayan at pakikitungo sa pagitan ng mga tao). Sa bahagi nitong Ibadah, ang pag-aasawa ay gawaing nakalulugod sa Allah sapagka't ito ay pagsunod sa kanyang kautusan na ang mag-asawang lalaki't babae ay magmamahalan sa isa't isa at magtulungang gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapatuloy ng lipi at ang pag-aaruga't paggabay at pagpapatnubay sa kanilang mga anak na maging tapat at tuwid na alipin ng Allah. 

 

 

1. Ang Matapat na Pagsang-ayon ng Lalaki at Babae

 

Mula sa pananaw sa Batas ng Islam, pinaniniwalaan na ang pag-aasawa ay isang 'aqd o kasunduan. Katulad ng sa ibang mga uri ng kasunduan ang pag-aasa ay nangangailangan ng buo at malayang pagsang-ayon ng magkabilang nasasangkot na magkabilang panig. Ang mga magulang o tagpangalaga sa sinuman sa dalawang panig ay maaring magbigay ng patnubay, pumili ng mapapangasawa o kumbinsihin siya, subali't ang panghuling disisyon upang pumasok sa isang pag-aasawa ay nababatay sa malayang pagsang-ayon ng magkabilang panig.

 

Ang sabi ng AllahU:

 

O kayong sumasampalataya! Kayo ay pinagbawalan na inyong manahin (ariin) ang mga babae na labag sa kanilang kagustuhan at huwag ninyong pakitunguhan sila ng masama, upang inyong mabawi ang bahagi ng Mahr (dote o handog) na inyong ipinagkaloob sa kanila, maliban na lamang kung sila  ay nagkasala ng lantad na kahalayan (bawal na pakikipagtalik). (Sa isang banda), kayo ay mamuhay sa kanilang piling ng may dangal. At kung sila ay inyong kasuyaan, marahil ay nasusuya kayo sa isang bagay, at ang Allah ay maghahatid sa inyo sa pamamagitan nito ng maraming kabutihan. [Qur'an 4:19]

 

Mahigpit na ipinagbabawal ng Islam ang pagsawalang bahala sa opinyon ng lalaki at babae hinggil sa kanilang pag-aasawa. Mahalagang kapwa silang sang-ayon dito at may sapat na kaalaman sa katangian ng kanilang mapapangasawa. Kapag may pagtanggi sa ng sinuman sa dalawa ang pagpapakasal ay hindi pinapahintulutan.

 

Ang salaysay ni Aishah:

 

Tinanong ni Aishah kay Propeta Muhammad, kung ang babae ba ay hihilingin ang kanyang pahintulot upang ipakakasal. Ang tugon ng Propeta: “Oo.” Muli siyang tinanong ni Aisha: “Ang virgin ay hiniling ang kanyang pahintulot nguni’t dahil siya’y nahihiya. Ang sabi ni Propeta Muhammad: “Ang kanyang pananahimik ay ang palatandaan ng kanyang pagtanggap.” [Bukhari and Muslim]

 

Ang salaysay ni Khansa bint Khidhan:

 

Iniulat ni Khansa bint Khidhan na sa kanyang nakaraang pag-aasawa, nang ang kanyang ama ay ipakakasal siya at kanyang tinanggihan ito, pumunta siya sa Sugo ng Allah at kanyang pinawalang-saysay ang kanyang kasal. [Bukhari, Ibn Majah]

 

Isang dalagang babae ang pumunta sa Sugo ng Allah at ipinagbigay-alam na ang kanyang ama ay ipinakasal siya na labag sa kanyang kagustuhan, kaya't pinayagan siya ng Propeta na mamili at sundin ang kanyang nais. [Abu Da'ud, sa pahintulot ni Ibn 'Abbas]

 

Katulad ng sinumang nasa tamang gulang na papasok sa anumang kasunduan, gayundin sa sinumang lalaki o babae na nasa tamang gulang ay maaring mag-ayos ng kanyang sarilang kasal. Ito ay sa kondisyon na sa pagsasa-ayos na ito ay walang maganap na pagtatalik o anumang bagay na lalabag sa mga ipinagbabawal. Alam ng karamihan na si Khadijah, ang unang asawa ng Propeta ay siyang nag-ayos sa kanyang kasal sa Propeta at ito ay naganap bago mapiling Propeta si Muhammad. Kung ang pag-aayos ng isang babae sa kanyang sariling kasal ay hindi kaakit-akit sa paningin ng Allah katulad ng pananaw ng ilang Muslim, ang Allah sana'y pinigilan ang Kanyang Sugo sa ganitong pagpapakasal. Katunayan, may mga ahadith na naglalarawan na maging sa matapos matanggap ni Muhammad ang pagiging sugo, hindi niya ipinagbawal ang babaing mag-ayos ng sarili niyang kasal.

 

Isang dalagang babae ang lumapit sa Sugo ng Allah at inialok ang kanyang sarili upang pakasalan niya. Nang siya'y nakatayo ng mahabang panahon (na walang natanggap na sagot ng Propeta), tumayo ang isang lalaki at sinabi: O Sugo ng Allah! Ipakasal mo siya sa akin kung hindi mo siya kailangan. Tinanong ng Propeta sa lalaki kung mayroon siyang maaring maibigay na "mahr" (handog sa pakakasalan), at nang sumagot ang lalaki na wala siyang ari-arian maliban sa pang-ibabang damit na kanyang suot. Ang sabi ng Propeta: Maghanap ka ng kahit na anong bagay, maging ito man ay isang tansong singsing. Naghanap ang lalaki subali't walang natagpuan. Tinanong siya ng Propeta kung may alam siya sa Qur'an, nang ang sagot ng lalaki alam ko ang surah….. at surah …., ang sabi ng Sugo: Lumayo na kayo, ibinibigay ko siya upang iyong pakakasalan. Turuan mo siya sa ilang kabanata ng Qur'an. [Bukhari at Muslim on the authority of Sahl bin Sa'd]

 

Sa hadith na ito isang babae ang nagnanais mag-ayos sa kanyang sariling kasal nguni't hindi siya sinalungat o kinapootan ng Propeta. Maaring hindi ito mabuting tignan upang gawin ng isang babae, subali't kung kanyang nanaisin maari siyang gumawa ng alok sa kanyang sarili upang pakasalan na wala siyang pangambang pagkakasala sa mata ng Allah.

 

 

2. Ang Pagkakaroon ng Wali[1]

 

Ang Wali ng babae ay kinakailangan upang ang kasal ay matatanggap sapagka't ang sabi ng Propetar:

 

"Walang kasal kung walang Wali." [Ahmad, Abu Dawood, Tirmidhi]

 

Kaya kung sakaling ipinakasal ng isang babae ang kanyang sarili na walang wali, ang kanyang kasal ay walang saysay — isagawa man niya mismo ang pagpapaksal sa kanyang sarili o magtalaga man siya ng kinatawan. Hindi maaaring walang Wali ng isang Muslimah. Ang isang Kafir matapos tinanggap ang pananampalatayang Islam na walang ibang malapit na kamag-anak na Muslim, ang pamahalaang Muslim ang tatayong Wali sa kanya.

 

Kinakailangang may sapat na gulang (15 taon pataas) ang Wali, may matinong pag-iisip at may hustong pag-iingat na kabilang sa mga 'Asabah (lalaking kamag-anak sa ama) ng babae gaya ng ama, pagkatapos ay ang pinagbilinan nito, pagkatapos ay ang lolo sa ama at kahit pa ang lolo sa tuhod: ang pinakamalapit sa mga ito ang pipiliin, pagkatapos ay ang anak na lalaki, pagkatapos ay ang mga anak nito at kahit pa ang mga kaapu-apuhan nito, pagkatapos ay ang kapatid sa ama't ina, pagkatapos ay ang kapatid sa ama, pagkatapos ay ang mga anak ng kapatid na lalaki sa ama't ina, pagkatapos ay ang mga anak ng kapatid na lalaki sa ama: ang pinakamalapit sa mga ito ang pipiliin, pagkatapos ay ang tiyuhin na kapatid sa ama't ina ng ama, pagkatapos ay ang tiyuhin na kapatid sa ama ng ama, pagkatapos ay ang kanilang mga anak: ang pinakamalapit sa mga ito ang pipiliin, pagkatapos ay ang tiyuhin sa ama ng ama, pagkatapos ay ang mga anak nito, pagkatapos ay ang tiyuhin sa ama ng lolo sa ama, at pagkatapos ay ang mga anak nito.

 

Ang Wali ay kinakailangang humingi ng pahintulot sa babae bago niya ito ipakasal. Ang dahilan kung bakit kailangang may Wali ang isang babae ay upang hadlangang gawing dahilan ang kasal upang gumawa ng pangangalunya[2] dahil maaring ang isang lalaki ay nagbabalak mangalunya na sabihin sa babae na: "Ipakasal mo ang iyong sarili sa akin." At ang kasal-kasalan na ito ay maaari pang saksihan ng dalawa sa kanyang mga kaibigan o ng iba pa.

 

 

3. Ang Dalawang Lalaking Saksi

 

Kailangang daluhan ang pagkakasal ng dalawang saksi o higit pa, mga lalaking Muslim na makatarungan. Kailangan ding ang mga saksing ito ay mga mapagkakatiwalaan at umiiwas sa mga malalaking kasalanang katulad ng pangangalunya, pag-inom ng alak, at mga tulad nito.

 

Ang sabi ng Propetar:

 

"Walang kasalan maliban lang kung may wali at mapagkakatiwalaang tagapagpatunay. [Sahih Bayhaque]"

 

"Walang kadalan maliban lang kung may wali at dalawang tagapagpatunay." [Sahih Al-Jaami]

 

 

4. Ang Tungkuling Magbigay ng Mahr[3]

 

Ang Mahr ay karapatan ng babae bilang regalo sa kanya ng mapapangasawang lalaki. Ito ay maaring salapi o anumang bagay o ariarian ng nagtataglay ng halaga na pag-aari mismo ng lalaki. Walang hangganan ang halaga ng mahr ayon sa kakayahan ng lalaki subali't sa lalong kaunti at mababa ang halaga nito ay higit na mainam sa babae maliban pa sa pangakong biyaya sa kanya. Ang Mahr ay tinatawag ding sadiq. Sunnah na banggitin ang halaga o uri nito sa sandali ng pagkakasal at madaliin ang pagbibigay nito kasabay ng pagkakasal. Tanggap din na ipagpaliban ang pagbibigay ng Mahr o ng bahagi nito sa napagkasunduang panahon. Kung sakaling diniborangyo ng lalaki ang kanyang maybahay bago niya nakatalik ito, kukunin nito ang kalahati ng Mahr. At kung sakali namang namatay ang lalaki bago niya nakatalik ang babae matapos na naisagawa ang kasal, may karapatan na ang babae na magmana sa lalaking ito at makakamait niya nang ang Mahr.

 

Sinabi ng AllahU:

 

At ibigay sa kababaihan (na inyong mapapangasawa) ang kanilang Mahr na mula sa kabutihan ng inyong puso; datapuwa’t kung ang (mga babae), sa kanilang sariling kabutihang loob ay muling ibalik ang bahagi nito sa inyo, ito ay inyong kunin at maangyahan ng walang pangangamba sa anumang kasahulan (sapagkat ginawa itong legal ng Allah). [Qur'an, 4:4]

 

Ang "mahr" (handog sa pakakasalan) ay maaring kahit anong halaga. Ang sabi ng Propeta Muhammad, "Maghanap ng anumang bagay kahit na ang singsing na tanso." [Bukhari at Muslim]

 

Ang babae ay hindi mapilitang magbigay ng anumang halaga o bagay sa lalaki sa oras ng kasal katulad ng ginagawa sa ilang kultura.

 

 

Ang Paraan ng Pagkakasal

 

Ang mga sumusunod ay ang paraan ng pagsasagawa ng pagpapakasal sa Islam:

 

1.      Sa pagkakasal ay magsasabi ang lalaki o ang kinatawan niya sa Wali ng babae ng ganito: "Zawwijni ibnataka (waangyataka) …" (Ipakasal mo sa akin ang iyong anak (o ang babaeng ipinagkatiwala sa iyo) na ang [banggitin ang pangalan ng babae].)

 

2.      Magsasabi naman ang Wali ng ganito: "Laqad zawwajtuka ibnati (waangyati) …" (Tunay na ipinakakasal ko na sa iyo ang aking anak (o ang babaeng ipinagkatiwala sa akin) na ang [banggitin ang pangalan ng babae].)

 

3.      Magsasabi naman ng ganito ang lalaki: "Qabiltu zawijahi minni." (Tinatanggap ko ang iyong pagpapakasal mo sa kanya sa akin.)

 

Maaaring magtalaga ang lalaki, kung hindi siya makadalo ng sinumang naisin niyang maging kinatawan sa kasal[4].

 

May karapatan ang kanyang maybahay na kumuha mula sa kanyang ari-arian o salapi ng sapat na halagang pantustos sa pangangailangan nito, o ng mangutang sa pangalan niya at obligado siyang magbayad. Tungkulin din ng lalaking gumastos para sa Walimah o handaang gagawin ng lalaki sa araw ng kasal para sa mga taong inanyayahan niya. Ito ay Sunnah na ipinag-uutos sapagka't ginawa at ipinag-utos ito ng Propetar.

 

 

Ilang Resulta ng Pag-aasawa

 

1.     Ang Pagsusustento

 

Tungkulin ng asawang lalaki na sustentuhan sa pagkain, pananamit, at tirahan ang kanyang maybahay, ayon sa kanyang kakayahan.

 

2.      Ang Pagmamana

 

Kapag nakasal ang lalaki sa babae ng kasal na ayon sa Islam, magkakaroon ng karapatan ang isa't isa sa kanila na magmanahan sapagka't ang sabi ng AllahU:

 

"At ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng inyong mga maybahay kung wala silang anak; subali't kung mayroon silang anak, ukol sa inyo ang ika-apat mula sa naiwan nila matapos ikaltas ang ukol sa habiling ihinahabilin nila o sa pagkakautang. At ukol naman sa kanila ang ikaaapat mula sa naiwan ninyo kung wala kayong anak; subali't kung mayroon kayong anak, ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo matapos ibawas ang ukol sa habiling ihinahabilin ninyo o sa pagkakautang.…" Walang pagkakaiba kung nagtalik at nagsama man sila o hindi. [Qur’an, 4:12]

 

 

Mga Sunnah at mga Kaasalan sa Pag-aasawa

 

1.      Sunnah na ipagbigay-alam ang kasal (sa pamamagitan ng pagdaraos ng handaan). Sunnah din na ipanalangin ang mga bagong kasal at sabihin sa lalaki o sa babae: "Barakallahu lak, wa baraka 'alayk, wa jama'a baynakuma fi khayr." (Pagpalain ka ng AllahU, panatiliin Niya ang pagpapala sa iyo, at pagsamahin niya kayo sa ginhawa.)

 

2.      Sunnah, kapag nais nilang magtalik, na magsabi ng ganito: "Bismillah, allahumma jannibnash shaytan, wa jannibish shaytana ma razaqtana" (Sa ngalan ng AllahU, o AllahU ilayo Mo po sa amin ang Satanas at ilayo mo pa angya sa anak na ipagkakaloob Mo sa amin.)

 

3.      Kasuklam-suklam para sa mag-asawa na ipagsabi ang anumang nangyari sa pagitan nila sa loob ng kanilang pribadong tahanan o hinggil sa kanilang pagtatalik.

 

4.      Ipinagbabawal sa lalaki na makipagtalik sa kanyang asawa samantalang ito ay may regla o may Nifas at hangga't hindi pa ito nakakapaligo matapos na huminto ang kanyang pagdudugo o ang Nifas.

 

5.      Ipinagbabawal sa lalaki na makipagtalik sa kanyang asawa sa butas ng puwit sapagka’t ito ay isa sa malaking kasalanang ipinagbawal ng Islam.

 

6.      Tungkulin ng lalaki na ibigay nang lubos sa kanyang maybahay ang karapatan nito sa pakikipagtalik. Tungkulin niya ring hindi gawin ang withdrawal method dahil sa pangangambang baka magbuntis ito maliban kung may kapahintulutan nito at kung kinakailangan.

 

 

Ang mga Katangian ng Maybahay

 

Naglalayong magdulot ng kaligayahan ang pag-aasawa at bumuo ng mabuting pamilya at malusog na lipunan. Alinsunod dito, ang babaeng dapat maging asawa ay ang makatutugon sa dalawang layuning ito. Siya ay ang nagtataglay ng panlabas at panloob na kagandahan. Ang kagandahang panlabas ay ang kalubusan ng anyo. Ang kagandahang panloob naman ay ang kalubusan ng pananampalataya at kaasalan. Kung magagawang makapag-asawa ng babae na nagtataglay ng kagandahang panlabas at kagandahang panloob, ito ang tunay na kaganapan at kaligayahang kaloob ng AllahU. Tungkulin ding maging masigasig ang babae sa pagpili ng mabuting lalaki at may takot sa Diyos.

 

Unang nararapat bigyang halaga sa pag-aasawa ang katapatan ng lalaki o babae sa Islam.

 

Ang sabi ng Propeta Muhammadr:

 

Ang babae ay pangkaraniwang pinapakasalan bilang asawa dahil sa kanyang yaman, ganda, kadakilaan, o pagkamatuwid sa pananampalatayang Islam, magpakaganoon, piliin ang matuwid (Islam) na babae at ikaw ay magwawagi. [Muslim]

 

Ang babae ay pinakakasalan sa apat ng bagay: ang kanyang yaman, ang katanyagan ng kanyang angkan, ang kanyang ganda at ang kanyang pananampalataya. Pakasalan mo ang babaing maka-diyos kung hindi ikaw ay magiging talunan. [Bukhari]

 

Ang buong daigdig ay biyayang mula sa Allah, at ang pinakamainam na biyayang napakikinabangan sa mundong ito ay ang babaing matuwid (Islam). [Muslim]

 

 

Ang mga Babaeng Bawal Mapangasawa: Mahram

 

 

Ang mga babaeng bawal mapangasawa ng lalaki ay dalawang pangkat: ang mga babaeng ipinagbabawal mapangasawa kailanman at ang mga babaeng ipinagbabawal mapangasawa ng pansamantala.

 

Sa pamantayang Shari'ah, ang pag-aasawa sa pagitan ng babae at lalaki na may kaugnayan sa isa't isa ay ipinagbabawal. Ang mga ipinagbabawal na ito ay may dalawang uri: ang panghabang buhay at ang pansamantala.

 

 

I. Ang habang-buhay na bawal mapangasawa ay tatlong uri:

 

A. Ang mga babaeng ipinagbawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa dugo.

 

Sila ay pito at binanggit ng AllahU sa Qur'an:

 

"Ipinagbawal sa inyo na mapangasawa ang inyong mga ina, ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae, ang inyong mga tiyahin sa ama, ang inyong mga tiyahin sa ina, ang mga anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, ang mga anak na babae ng inyong kapatid na babae,…" [Qur’an, 4:23]

 

1.      Kabilang sa "mga ina" ang ina at ang mga lola sa ama at ina.

 

2.      Kabilang sa "mga anak na babae" ang mga anak na babae sa maybahay, ang mga anak na babae ng anak na lalaki, ang mga anak na babae ng anak na babae, at ang mga babaeng sa kaapu-apuhan nila.

 

3.      Kabilang sa "mga kapatid na babae" ang mga kapatid na babae sa ama't ina, ang mga kapatid na babae sa ama, at ang mga kapatid na babae sa ina.

 

4.      Kabilang sa "mga tiyahin sa ama" ang mga tiyahin-sa-ama, ang mga tiyahin-sa-ama ng ama, ang mga tiyahin-sa-ama ng mga lolo, ang mga tiyahin-sa-ama ng ina, at ang mga tiyahin-sa-ama ng mga lola.

 

5.      Kabilang sa "mga tiyahin sa ina" ang mga tiyahin-sa-ina, ang mga tiyahin-sa-ina ng ama, ang mga tiyahin-sa-ina ng mga lolo, ang mga tiyahin-sa-ina ng ina, at ang mga tiyahin-sa-ina ng kanyang mga lola.

 

6.      Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na lalaki" ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama't ina, ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama, ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ina, at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki at babae.

 

7.      Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na babae" ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama't ina, ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama, ang mga anak na babae ng kapatid sa ina, at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki at babae.

 

 

B. Ang mga babaeng bawal mapangasawa kailanman dahil sa kaugnayang batay sa pagpapasuso.

 

Sila ay tulad ng mga babaeng bawal mapangasawa kailanman dahil sa ugnayang batay sa dugo. Nagsabi ang Propetar:

 

"[Ang babaeng] ipinagbabawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa pagpapasuso ay gaya ng [babaeng] ipinagbabawal mapangasawa dahil sa kaugnayang batay sa dugo."

 

Subali't may mga kundisyon bago magkaroon ng kaugnayan batay sa pagpapasuso. Ang mga kundisyong ito ay ang mga sumusunod:

 

1.      Kinakailangang sumuso ang isang sanggol nang limang beses o higit pa sa isang babaeng hindi nito ina. Kaya kung sakaling sumuso ito nang apat na beses lamang o mababa pa, ang babaeng sinusuhan ay hindi magiging ina nito sa gatas.

 

2.      Kinakailangang ang pagpapasuso ay bago nagdalawang taon ang sanggol. Ang ibig sabihin nito'y kailangang ang lahat ng limang pagpapasuso ay bago nagdalawang taon ang sanggol. Kaya kung ang limang beses na pagpapasuso ay matapos nagdalawang taon ang bata, o kung ang limang pagpapasuso ay sinimulan bago nagdalawang taon at natapos matapos nagdalawang taon, ang babaeng sinusuhan ay hindi nito magiging ina sa gatas.

 

Kapag natupad ang mga kundisyon ng pagpapasuso, ang bata ay magiging anak na ng babaeng sinusuhan at ang mga anak nito ay magiging mga kapatid niya, nauna man sila sa kanya o nahuli sila sa kanya. Ang may-ari ng gatas[5] ay magiging ama niya at ang mga anak nito ay magiging mga kapatid niya, anak man angla ng babaeng nagpasuso sa kanya o anak sa ibang babae. Kailangang mabatid dito na ang mga kamag-anak sa dugo ng batang pinasuso, maliban pa sa mga magiging anak niya, ay walang kaugnayan sa mga naging kamag-anak niya sa gatas at walang anumang epekto sa kanila ang pagpapasuso sa kanya.

 

 

C. Ang mga babaeng bawal mapangasawa dahil napangasawa ng mga malapit na kamag-anak

 

1.      Ang mga maybahay ng ama at mga lolo. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang babaeng ito ay bawal nang mapangasawa ng kanyang mga anak, ng mga anak ng kanyang mga anak na lalaki at babae, at ng mga kaapu-apuhan nila, nakatalik man niya ang babaeng ito o hindi.

 

2.      Ang mga maybahay ng mga anak. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang babaeng ito ay bawal nang mapangasawa ng kanyang ama, ng kanyang mga lolo sa ama o sa ina, at ng kanyang mga kanunu-nunuan—dahil lamang sa pagpapakasal dito at kahit pa man hindi niya nakatalik ito.

 

3.      Ang ina at ang mga lola ng maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae, ang ina at ang mga lola sa ama at ina nito ay bawal nang mapangasawa niya—dahil lamang sa pagpapakasal dito at kahit pa man hindi niya nakatalik ito.

 

4.      Ang mga anak ng maybahay, ang mga anak ng mga anak na lalaki at babae nito at ang mga kaapu-apuhan nila. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae at nakatalik niya ito, ang mga anak nito at ang mga anak ng mga anak na lalaki at babae nito at mga kaapu-apuhan nila ay naging bawal nang mapangasawa niya, walang ipinagkaiba kung angla man ay mula sa unang asawa ng kanyang maybahay o sa naging asawa nito nang nagkahiwalay angla. Subali't kung naganap ang paghihiwalay nila bago nagkaroon ng pagtatalik, hindi ipinagbabawal na mapangasawa niya angla.

 

 

II. Ang mga Pansamantala Bawal Mapangasawa

 

A.     Ang kapatid ng maybahay, ang tiyahin nito sa ama, at ang tiyahin nito sa ina hanggang hindi sila pinaghiwalay ng kamatayan o naghiwalay sa isa’t isa at natapos na ang 'Iddah nito.

 

B.      Ang babaeng nasa 'Iddah dahil sa dating asawa nito. Kapag ang babae ay nasa kanyang 'Iddah dahil sa dating asawa nito na ibang lalaki, hindi ipinahihintulot sa isang lalaki na pakasalan ito hanggang hindi natatapos ang 'Iddah nito at hindi rin ipinahihintulot sa kanya na alukin ito ng kasal.

 

C.     Ang babaeng nasa estado ng Ihram ng Hajj o 'Umrah. Hindi ipinahihintulot sa kanya na magpakasal dito hanggang hindi natatapos ang Ihram nito.

 

 

Ang Paghihiwalay (Talaq)

 

Ang pagwawalang saysay sa kasunduan.

 

Bagaman ang kasal ay isang panghabang-buhay na kasunduan, at mangyaring ang mag-asawa ay sadyang hindi na maaring magkasama pa, ang Shari'ah ay nagbigay pahintulot upang pawalang-bisa ang kasunduan sa kasal. Ang pagpapawalang-bisa sa kasunduan sa kasal ay maaring isasagawa ng sinuman sa dalawa na nakapag-isip at naniniwalang ang kabilang panig ay hindi matutupad ng maayos ang mga malinaw na nakasaad sa kasunduang sa kasal, tulad ng, pagbibigay ng sapat na pangkatawan, pangdamdamin, pangka-isipan at espirituwal na kaligayahan. Malinaw dito na ng paghuhusga na ang kasal ng dalawang mag-asawa ay nakamit ang sapat na kalidad ng kaligayahan na dulot ng kanyang kasal ay isang pansariling kaukulan na tanging ang mag-asawa lamang maaring huhusga nito. Kaugnay dito, upang mapawalang bisa ang kasal, hindi hinihingi ng Islam na ang kabiyak ay patutunayan sa makapangyarihan katulad ng korte na mayroon ngang pagkukulang sa kabiyak para sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin sa pamilya. Sapat na para sa hindi nasisiyahang kabiyak na sabihin na hindi na niya maiibig o maigagalang ang kanyang kabiyak upang maipagpatuloy ang kanilang samahan. Ang mga kaanak ng mag-asawa at ang lipunan ay mamagitan sa suliraning ito upang mapigilan ang paghihiwalay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gabay at patnubay.

 

At kung kayo ay nangangamba na may hidwaan sa pagitan nilang (mag-asawa), kayo ay magtalaga ng (dalawang) tagapamagitan; isa mula sa pamilya (ng lalaki) at ang isa ay mula sa pamilya (ng babae); kung ninanais nila na ituwid ang kanilang hindi pagkakaunwaan, ang Allah ang magbibigay kaganapan ng kanilang pakikipagkasundo; sapagka't ang Allah ang may ganap na kaalaman at nakababatid ng lahat ng bagay. [Qur'an, 4:35]

 

Magpakaganoon ang mga tagapamagitan ay hindi maaring pilitin ang mag-asawa na manatiling magkasama. Hindi tulad ng simbahang Katoliko o mga Hindu na mahigpit na ipinapatupad na ang mag-asawa ay manatiling magkasama hangga't ang isa sa kanila any pumanaw.

 

Maaring pawalang-bisa ng lalaki ang kanyang kasal sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panuntunan nito nguni't hindi natin maaring talakayin dito. Ang babae naman ay maaaring pawalang-bisa ang kanyang kasal sa pamamagitan paghingi nito sa kanyang asawa at kapag tinanggihan siya ng lalaki maari niya itong isangguni sa korte na siyang mag-ayos at magtatag ng mga gabay ukol sa nararapat ng kabayaran upang pawalang-bisa ng lalaki ang kanilang kasal. Upang maiwasan ang ganitong mahabang pagsasagawa, ang babae ay maaring magdagdag sa kasunduang maari niyang pawalang-bisa ang kanilang kasal na hindi na kinakailangang isangguni sa korte.

 

Ang panig na humingi ng pghihiwalay ay magbigay ng halaga bilang kabayaran sa hihiwalayan. Ang kabayarang ito ay maaring ang pagsauli sa "mahr" kapag ang babae ang nagnanais na makipaghiwalay o ang kabayarang sustento kung ang lalaki ang nagnanais nito.

 

 

Ang sukatan na ang lalaki ay nakahihigit sa karapatan

 

Sa mga nakaraang paksang tinalakay para sa pananaw ng Shari'ah sa pag-aasawa sa Islam, ang lalaki at babae ay buong magkapantay sa samahan maliban sa mga ilang maliliit na bahagi nito.

 

1)       Kapwa ang mag-asawa ay may pantay na tungkulin na magbigay ng sapat na pangkatawan, pagkalinga o damdamin, pangkaisipan at espirituwal na kaligayahan sa isa't isa, nguni't ang lalaki ay may karagdagang tungkulin na magbigay para sa pangkabuhayang pangangailangan ng asawa.

 

2)       Sakaling ang lalaki ay siyang nagnanais makipaghiwalay, siya ay inuutusan ng batas na magbayad ng pangkabuhayang panustos sa babae. Sinabi ng AllahU:

 

At sa mga nahiwalayang kababaihan, (sa kanila) ang panustos na kabuhayan sa tamang (sukat). Ito ay isang katungkulan ng Al-Muttaqun (mga may pangangamba sa Allah, may kabanalan, atbp.). [Qur'an, 2:241]

 

Ang ipinag-uutos na kabayarang panustos na pangkabuhayang ito ay karapatan ng asawang babae. Magkaganoon, kapag ang babae ang hihiling na siya'y hiwalayan, hindi siya magbabayad sa lalaki bilang ipinag-uutos sa batas ng Shari'ah, nguni't maari niyang ibalik ang bahagi ng ibinigay ng "mahr" sa kanya mula sa lalaki ay nakakatulong bilang kabayaran para sa pag-aareglo. Sinabi ng AllahU:

 

……Kaya’t kung kayo ay nangangamba na hindi ninyo mapapanatili ang mga takdang utos ng Allah, hindi isang kasalanan sa bawat isa sa kanila kung kanyang ibalik (ang Mahr o dote o bahagi nito) para sa paghihiwalay (diborsyo) na Al-Khul (ang paghiwalay ng babae sa kanyang asawa sa pamamagitan ng isang tanging kabayaran). [Qur'an, 2:229]

 

3)       Ang lalaki ay maari niyang ihiwalay ang asawang babae samantalang ang babae ay kinakailangang idaan ito sa korte upang hiwalayan ang asawang lalaki.

 

Hinggil sa naturang pagkasalungat na nabanggit sa una, sinabi ng AllahU sa Qur'an:

 

…… At ang mga asawa (kababaihan) ay mayroong pantay na karapatan na tulad ng sa kanilang (kalalakihan) asawa (na sila ay pangalagaan, katulad ng panustos sa bahay, kalinga, atbp.) na batay sa hustisya, maliban sa kaunting bagay na ang kalalakihan ay nakahihigit. [Qur'an, 2:228]

 

Ang kalalakihan ang tagapangalaga at tagapanustos ng kababaihan, sapagka’t ginawa ng Allah na ang isa sa kanila ay manaig (sa lakas) kaysa sa iba, at sapagka’t sila ay gumugugol (upang sila ay tustusan) mula sa kanilang kakayahan …… [Qur'an, 4:34]

 

Ang una sa mga nabanggit na pahayag sa Qur'an ay inilhad sa isang mahabang pagtatalakay tungkol sa paghihiwalay at kinakailangang maunawaan sa ganoong kahulugan. Ang pagkasabing, ang lalaki ay bahagyang nakahihigit sa babae sa karapatan ay nangangahulugang ang lalaki ay mas malayang pawalang-bisa ang kanilang kasal. Subali't hindi ito isang malaking bagay maliban lamang na ang babae ay idadaan ang kanyang kahilingan sa may kapangyarihan (korte) na walang karagdagang pagtatanong. Nguni't kung ang kahilingang ito ay nabanggit sa nilagdaang kasunduan na hindi kinakailangang dumaan sa korte sakaling ninais ng babae ang makipaghiwalay. Ang pamamaraan ay kutulad ng sa lalaki.

 

Ang pangalawang pahayag sa Qur'an ay tumutukoy sa karagdagang tungkulin ng lalaki bilang tagpagtanggol, tagpagtustus sa mga pangangailangang pangkabuhayan o pinansyal, kalinga at pangkaisipan, at siya ang nagbibigay ng pasya sa mga bagay na nauukol sa kanyang pamilya.

 

Ang pantay na karapatan ay gumagalaw sa pagkapantay sa tungkulin. Kung tutuusin ang babae ay ang siyang nakalalamang sa saligang ito. Isang magandang halimbawa nito ay sa mga anak, ang Islam ay ibinibigay sa mga ina ang nakakahigit na karapatan sa mga bata kaysa sa ama maliban sa pangkabuhayan na siyang pangunahing tungkulin ng ama.

 

Hindi lingid sa lahat na ang paghihiwalay ay isang kasuklam-suklam na bagay. Subali't yaman din lamang na paghihiwalay ay hindi maiiwasan dahil sa naidudulot na kapinsalaan sa babae ng pananatili nito sa piling ng lalaki o dahil sa naidudulot na kapinsalaan ng babae sa lalaki o dahil sa iba pang dahilan, bahagi ng awa ng AllahU na ipinahintulot Niya ang paghihiwalay sa Kanyang mga alipin. Kaya kapag kinasusuklaman ng isang lalaki ang kanyang maybahay at hindi na niya matiis na makapiling ito, walang masama kung hiwalayan niya ito subali't kailangang isaalang-alang niya ang mga sumusunod:

 

1.      Na hindi hihiwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa samantalang ito ay may regla. Kaya kapag hiniwalayan niya ito samantalang ito ay may regla, sinuway na niya ang AllahU at ang Sugor at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Kaya sa sandaling iyon, kinakailangang balikan niya ang kanyang maybahay at panatilihin ito sa kanyang piling hanggang sa matapos ang regla nito at saka niya hihiwalayan ito kung nais niya. Nguni’t lalong mainam na hayaan niya muna itong magregla sa ikalawang pagkakataon at kapag natapos na ang regla nito ay nais niyang panatilihin siya sa kanyang piling o kung nais niya ay hiwalayan rin niya ito.

 

2.      Na hindi hihiwalayan lalaki ang kanyang maybahay sa panahong ito ay wala ngang regla nguni't nakipagtalik naman siya rito sa panahon ding ito, maliban na lamang kung naging malinaw na sa kanya ang pagdadalang-tao nito. Kaya kapag nagbalak ang isang lalaki na hiwalayan ang maybahay niya nguni't nakatalik niya ito matapos ang huling regla nito, hindi niya hihiwalayan ito hangga't hindi ito muling niregla at saka natapos ang pagreregla nito, kahit pa man tumagal ang regla. Pagkatapos niyon, kung nais niya ay hiwalayan niya ito bago niya ito nakatalik, maliban kung naging malinaw na sa kanya ang pagdadalang-tao nito o nagdadalang-tao na sapagka’t hindi na niya hihiwalayan ito.

 

 

Ang Ilang Resulta ng Paghihiwalay

 

Ang pakikipaghiwalay sa asawa ay may mga alituntunin sa mga magiging dulot ng paghihiwalay ng ito. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

 

1.      Tungkuling magsagawa ng 'Iddah’[6] kapag nakatalik ng lalaki ang kanyang maybahay o kinasama niya ito nang kahit walang pagtatalik. Subali't kung hiniwalayan niya ito bago niya ito nakatalik, o kinasama niya ito nang walang pagtatalik, hindi na kailangang magsagawa ito ng 'Iddah. Ang 'Iddah ng babaeng hiniwalayan ay tatlong pagreregla kung nireregla pa ang babae, tatlong buwan kung hindi na nireregla o hindi pa nireregla, at hanggang sa pagsilang ng sanggol kung nagdadalang-tao[7]. Ang dahilan kung bakit may 'Iddah ay upang mabigyan ang asawa ng pagkakataon na makipagbalikan sa kanyang maybahay na inihiwalay at upang matiyak din kung nagdadalang-tao ang babae o hindi.

 

2.      Bawal sa isang lalaki na muling mapangasawa ang dati niyang maybahay kung bago pa man naganap ang huling paghihiwalay ay dalawang ulit na niyang hiniwalayan ito. Ang ibig sabihin nito ay kung hiniwalayan niya ang babae sa unang pagkakataon at saka binalikan ito sa panahon ng 'Iddah o pinangasawa niya ito pagkatapos ng 'Iddah, at pagkatapos ay hiniwalayan na naman niya ito sa ikalawang pagkakataon at saka binalikan ito sa panahon ng 'Iddah o pinangasawa niya ito pagkatapos ng 'Iddah, at pagkatapos ay hiniwalayan na naman niya ito sa ikatlong pagkakataon, ang babae ay hindi na ipinahihintulot na mapangasawa niya matapos ang ikatlong paghihiwalay hanggang hindi ito nakakasal (ayon sa Shari’ah) sa ibang lalaki at nagkaroon ng pagtatalik, inayawan nito ito at pagkatapos ay hiniwalayan nito ito. Pagkatapos nito ay ipinahihintulot na naman ang babae na mapangasawa ng unang lalaki. Ipinagbawal ng AllahU na muling mapangasawa ng lalaki ang dati niyang maybahay na hiniwalayan niya nang tatlong beses bilang awa sa mga babaeng sa pang-aapi ng kanilang mga asawa.

 

 

Ang Khula'

 

Ang paghingi ng paghihiwalay ng babaeng umayaw sa kanyang asawa ay tinatawag na Khula' sa pamamagitan ng pagbigay rito ng kabayaran upang ito ay sumang-ayon. Kung ang asawa naman ang umayaw at siya ang nagnanais na makipaghiwalay sa babae, wala siyang karapatan na tumanggap ng kabayaran mula sa babae. Kailangang pagtiisan o hiwalayan na lamang niya ang kanyang maybahay. Hindi dapat na humingi ng Khula' ang isang babae maliban na lamang kung siya ay nagdurusa sa piling ng kanyang asawa at hindi na niya matiis na manatili pa sa piling nito. Hindi rin naman pinahihintulutan ang lalaki na sadyang pagdusahin ang kanyang maybahay nang sa gayon ay humiling ito ng Khula'. Kapag naganap ang Khula', makabubuting hindi kukuha ang lalaki sa babae ng halagang higit pa sa ibinigay niya rito bilang Mahr.

 

 

Ang Khiyar

 

Ang Khiyar ay ang karapatan ng mag-asawa na panatilihin ang kanilang kasal o pawalang-bisa dahil sa paglitaw ng isa sa mga kadahilanan. Halimbawa ay kinakitaan ng asawa ang kanyang maybahay o kinakitaan ng maybahay ang asawa nito ng sakit o kapinsalaan sa katawan na hindi nilinaw sa lalaki o sa babae habang idinadaos ang kasal, kapag nagkaganito, ang walang sakit o walang kapinsalaan ay ang may karapatang magpasya kung pananatilihin ang kasal o pawawalang-bisa ito. Ilan pang halimbawa:

 

1.      Kung ang isa sa kanila ay baliw o dinapuan ng karamdaman na siyang dahilan kung bakit hindi matamo nang lubusan ng isa sa kanila ang lubos na karapatan bilang asawa o maybahay, ang hindi baliw o ang walang sakit ay may karapatang humiling na pawalang-bisa ang kasal. Kung ang pagpapawalang-bisa ay bago nakipagtalik, may karapatan ang lalaking bawiin ang Mahr na ibinigay niya sa babae. Kung ang pagpapawalang-bisa naman ay matapos nakipagtalik, wala nang anumang mababawi sa Mahr. Ayon naman sa ibang Iskolar ng Islam, babawiin ng lalaki ang katumbas na halaga ng Mahr sa taong kapamilya ng babae na nanlinlang sa kanya gayong nalalaman nito ang kapintasan ng babae.

 

2.      Ang kawalang-kakayahan ng lalaki na ibigay ang Mahr sa takdang panahon. Ang babae ay may karapatang humiling na pawalang-bisa ang kasal kung bago nakapagtalik; nguni't pagkatapos na nakapagtalik ay wala na siyang karapatang hilingin iyon[8].

 

3.      Ang kawalang-kakayahang sumustento. Kung nawalan ng kakayahan ang isang lalaki na sumustento sa maybahay niya, maghihintay ang kanyang maybahay ng ilang panahon hanggang sa makakaya nito at pagkatapos nito ay may karapatan na ito na humiling ng pagpapawalang-bisa ng kasal sa pamamagitan ng hukuman.

 

4.      Kapag nawala ang asawa at hindi malaman ang kinaroroonan niya at hindi siya nag-iwan ng pangsustento sa kanyang maybahay, hindi rin siya nagbilin sa isang tao na maaaring sumustento sa kanyang maybahay habang wala siya, wala ring sinumang sumusustento rito at wala rin itong maisusustento sa sarili na masisingil naman nito sa kanya (sa pagbalik niya), ang kanyang maybahay ay may karapatan na na humiling na pawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng hukom ng Shari'ah.

 

 

Mga Pag-aasawang Ipinagbabawal

 

 

Dalawang lalaki na nais pakasalan ang iisang babae

 

Ipinagbabawal ng Propeta ang dalawang lalaking nag-uunahan upang pakasal sa iisang babae. Ito ay dahil sa maari itong maging dulot ng alitan sa magkaibigan. 

 

Sinabi ng Propetar:

 

…… Ang naniniwala ay kapatid ng isang naniniwala.

 

Kaya't ipinagbabawal sa kanya ang mag-alok ng kasal sa babaeng nauna ng inalok ng kasal ng kanyang kapatid na Muslim, hanggang sa ang nauna ay bawiin ang kanyang alok.

 

Sina Imam Abu Hanifa, Imam Shafi'i, at Imam Malik ay parehong may pananaw na ang mag-alok ng kasal sa babaing naunang inalok ng iyong kapatid ay isng malaking kasalanan. At kung ang isang kasal ay napagkasunduan sa ganitong maling pamamaraan, sapat na sa pangalawang manliligaw na humingi ng kapatawaran sa naunang manliligaw at sa Allah. Datapwa't si Imam Dhahiri ay itinuturing itong kasal na walang saysay. Kanilang inihahain na ang naunang pananaw ay higit na katanggap-tanggap at mainam.

 

 

Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim

 

Hindi ipinahihintulot sa babaeng Muslim na mag-asawa ng lalaking hindi Muslim. At hindi rin ipinahihintulot sa isang babae, kapag yumakap na siya sa Islam bago yumakap ang asawa niya, na ipaubaya ang sarili niya rito bago ito yumakap sa Islam. Ang mga ito ang ilang mga patakaran hinggil sa kasal ng mga hindi Muslim:

 

1.      Kapag sabay na yayakap sa Islam ang mag-asawang Kafir, mananatili silang mag-asawa sa dati nilang kasal, kung walang mga hadlang ayon sa Shari'ah sa pananatili nila bilang mag-asawa. Ang halimbawa ng hadlang na ito ay kung ang babae ay Mahram ng kanyang lalaki o hindi ipinahihintulot ang lalaki na maging asawa niya. Kung may hadlang ay paghihiwalayin sila.

 

2.      Kung yumakap sa Islam ang asawa ng isang babaeng Kristiyano o Hudyo, mananatili silang mag-asawa sa dati nilang kasal.

 

3.      Kung yumakap sa Islam ang isa sa mag-asawang kapwa hindi Kristiyano o Hudyo bago sila nakapagtalik, kaagad na mawawalan ng saysay ang kanilang kasal.

 

4.      Kung yumakap sa Islam ang maybahay ng lalaking hindi Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang kinaaanibang relihiyon nito bago sila nakapagtalik, kaagad na mawawalan ng saysay ang kanilang kasal sapagka’t ang babaeng Muslim na ay hindi ipinahihintulot na maging maybahay ng lalaking hindi Muslim.

 

5.      Kung yumakap sa Islam ang maybahay ng isang lalaking hindi Muslim matapos na nakapagtalik na sila, magsasagawa ng 'Iddah ang babae at mapapagpasyahan ang kahihinatnan ng kanilang kasal pagkatapos ng 'Iddah. Mawawalan ng saysay ang kanilang kasal pagkatapos ng 'Iddah kung hindi yumakap sa Islam ang lalaki at may karapatan ang babae na magpakasal sa kanino mang lalaking Muslim na naisin niya. Kung mahal ng babae ang lalaki ay maaari niyang hintayin ito na yumakap sa Islam, subali't wala siyang mga obligasyon dito bilang maybahay sa panahon ng paghihintay at wala rin itong awtoridad sa kanya. Kung yayakap sa Islam ang lalaki siya ay maybahay niya ayon sa Islam nang hindi na kailangan pang ulitin ang kasal, kahit pa man maghintay siya ng mga taon. Ganoon din ang patakaran kung yumakap sa Islam ang asawa ng babaeng hindi Kristiyano ni Hudyo.

 

6.      Kung tatalikod sa Islam ang maybahay bago sila nakapagtalik, mawawalan ng saysay ang kanilang kasal at wala siyang karapatan sa Mahr. At kung ang lalaki naman ang tumalikod sa Islam, mawawalan ng saysay ang kanilang kasal at kailangang ibigay niya ang kalahati ng nagpagkasunduang Mahr. Kung ang isa sa kanila na tumalikod sa Islam ay yumakap uli sa Islam, mananatili na may bisa ang kanilang unang kasal hangga't walang naganap na paghihiwalay.

 

7.      Kung yumakap sa Islam ang lalaki at babaeng magka-live in o kahit ang lalaki lamang, kailangan nilang magpakasal sa Islam, kung ang babae ay Kristiyano o Hudyo, kung nais pa nilang magsama. Ang mga naging anak nila, bago pumasok sa Islam, ay ituturing na mga lehitimong anak.

 

 

Ang mga Masasamang bagay sa Pag-aasawa ng Kristiyano o Hudyo

 

Ang AllahU, nang ipinahintulot Niya ang pag-aasawa, ay naglalayon na pabutihin ang kaasalan, na linisin ang lipunan sa mga bisyo, na pangalagaan ang moralidad, na magtatag ng isang dalisay na pamantayang islamiko para sa lipunan, at magkaroon ng isang sambayanang Muslim na sumasaksi na walang ibang Diyos na nararapat sambahin kundi Siya at si Muhammadr ay ang Sugo Niya. Hindi maisasakatuparan ang mga layuning ito kung hindi makapag-aasawa ng babaeng Muslim na matuwid, marangal, at nagtataglay ng mabuting kaasalan. Tungkol naman sa maaaring mga maging bunga at mga hindi magandang maidudulot ng pag-aasawa ng isang lalaking Muslim sa babaeng Kristiyano o Hudyo, ating bibigyang-buod ang mga ito sa mga sumusunod:

 

1.       Sa loob ng pamilya. Sa loob ng maliit na pamilya, kung ang asawa ay may malakas na pagkatao, ito ay mayroong impluwensiya sa kanyang maybahay. Ang pinakamalapit na mangyari ay mahihikayat ang maybahay sa Islam. Nguni't maaari ring mangyari ang kabaligtaran dahil maaaring ang maybahay ay manatili sa relihiyon nito at gagawin nito ang inaakala nitong ipinahihintulot ng relihiyon nito gaya ng pag-inom ng alak, pagkain ng baboy, at baka pati ang pakikipagkalaguyo. Sa pamamagitan nito ay mawawasak at magugulo ang isang pamilyang Muslim at lalaki at ang mga bata sa paraang salungat sa Islam. Maaaring masahol pa rito ang mangyari kapag sinadyang isama ng panatiko at nagmamatigas na maybahay ang mga anak nito sa simbahan at masasanay naman silang makakita ng mga pagsambang Kristiyano. Ang lumaki sa isang bagay sa kinagagalawan ay masasanay rito.

 

2.       Ang mga epekto sa lipunang Muslim. Ang pagdami ng mga asawang Kristiyano o Hudiyo sa loob ng lipunang Muslim ay isang mapanganib na bagay. Ang panganib nito sa loob ng lipunang Muslim ay kung sakaling nanghihina ang sambayanang Muslim, na siyang nangyayari ngayon, kaalinsabay ng pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga bansang Kristiyano. Ang mga babaeng ito sa ganitong kalagayan ay nagsisilbing mga sugo ng mapanganib na pananalakay pangkaisipan sa loob ng sambayanang Muslim, ng pagkalansag at pagkabulok na bubuntut-buntot sa sambayanan, at ng ginagawa nilang mga kaugaliwang Kristiyano na ang pangunahin sa mga ito ay ang paghahalubilo ng mga kalalakihan at mga kababaihan kalakip na rito ang mga halos hubad na mga kasuutan at mga gawaing salungat sa mga katuruan ng Islam.

 

 

Ang Babaeng Sumasamba sa diyus-diyusan

 

Ang isang babaing sumasamba sa diyus-diyusan (mushrik), o naglalagay ng kaakibat sa pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng kanyang paniniwala at mga gawain. Sinabi ng Allah:

 

At huwag mag-asawa ng Al-Mushrikah (walang pananampalatayang babae sa Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katiyakan, ang isang aliping babae na nananampalataya ay higit na mainam sa isang (malaya) datapuwa’t walang pananampalatayang babae kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Huwag din ninyong ipangasawa ang inyong kababaihan sa Al-Mushrikun (walang pananampalatayang lalaki sa Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. Katotohanan, ang isang nananampalatayang lalaki ay higit na mainam kaysa sa isang (malaya), nguni't walang pananampalatayang lalaki, kahit na nga siya ay nakakaganyak sa inyo. Ang mga mapagsamba sa diyus-diyosan (Al-Mushrikun) ay nag-aanyaya sa inyo sa Apoy, datapuwa’t ang Allah ay nag-aanyaya (sa inyo) sa Paraiso at Pagpapatawad ayon sa Kanyang Kapaangyahan at ginawa Niyang maliwanag ang Kanyang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa sangkatauhan upang sila ay tumanggap ng paala-ala. [Qur'an 2:221]

 

Ang talatang ito ay ipinapahayag na ang isang Muslim na lalaki ay hindi maaring mag-asawa ng mushrik na babae o ang isang lalaki na mag-asawa ng mushrik na babae, sapagka't may agwat na hindi maaring magkatugma sa dalawang pananampalataya. Ang Islam ay nag-aanyaya sa tao sa Halamanan sa Paraiso, samantalang ang shirk ay nagdadala sa kanila sa apoy ng Impiyerno. Habang ang mga Muslim ay ay naniniwala sa Diyos, sa Kanyang Sugo, at sa Buhay na walang hangganan, ang isang mushrik ay nag-aakibat ng pagsamba sa Diyos, tinatanggihan ang Kanyang mga Sugo, at hindi naniniwala sa Kabilang-buhay. Ang pag-aasawa ay nangangahulugan ng pamumuhay sa iisang bobong ng may kapanatagan at pagmamahal; paano makakamit ang kalidad ng pamumuhay ng ito kung ang pananampalataya at mga gawain ng mag-asawa ay magkasalungat?

 

 

Ang Pagbabawal sa Muslim na Babae na Mag-asawa ng di-Muslim

 

Ipinagbabawal (haram) sa isang Muslim na babae ang mag-asawa ng di-Muslim na lalaki, maging siya man ay mula sa Angkan ng Kasulatan at sa iba pang mushrik. Sinabi ng Allah sa Qur’an:

 

…….. Huwag din ninyong ipangasawa ang inyong kababaihan sa Al-Mushrikun (walang pananampalatayang lalaki sa Allah, pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan) hanggang sa sila ay manampalataya. [Qur'an 2:221]

 

At Kanyang sinabi sa mga dayuhang kababaihang Muslim:

 

O kayong sumasampalataya!  Kung may dumarating sa inyo na mga babaeng naganganglikas, suriin (at bigyang pagsusulit) sila. Ang Allah ang tunay na nakakabatid ng kanilang pananampalataya, at kung inyong matiyak na sila ay nananampalataya, sila ay huwag ninyong pabalikin sa mga hindi sumasampalataya. Sila ay hindi naaayon sa batas (na maging asawa) ng mga walang pananampalataya, gayundin naman, hindi naaayon sa batas na ang walang pananampalataya ay maging (asawa) nila. At hindi isang kasalanan sa inyo kung nais ninyong mag-asawa sa kanila, kung inyo nang nabayaran ang kanilang dote. [Qur’an, 60:10]

 

Walang talata ang nagbigay pagtatangi maliban sa Angkan ng Kasulatan, samakatuwid ayon sa nabanggit na pahayag sa Qur’an may pagkaintindihan sa mga Muslim inggil sa pagbabawal na ito.

 

Bagaman na ang isang Muslim na lalaki ay pinapayagang mag-asawa ng isang kristiyano o isang Hudyong babae ang babae naman ay hindi maaring mag-asawa ng isang kristiyano o hudyong lalaki. Maraming matibay na patotoo hinggil sa hindi pagkapantay na ito. Una, ang lalaki ay siyang padre de pamilya, ang siyang magtataguyod sa pamilya at siya ang may pananagutan sa kanyang asawa. Magkaganoong ang Islam ay pinapanatili ang kalayaan sa karapatan ng paniniwala at ang pagsasabuhay nito sa kristiyano o hudyong asawa ng isang Muslim, ang pangangalaga sa kanyang karapatan ayon sa kanyang pananampalataya, ang ibang relihiyon katulad ng hudayismo at kristiyanismo ay hindi binibigyan ng garantiya ang kalayaan at pangangalagaan ang asawang may ibang pananampalataya at ang pagsasabuhay nito at maging ang kanyang karapatan sa kanyang pananampalataya. Sapagka’t ganito ang katayuan, paano mangyayaring ang Islam ay magbabasakali sa kinabukasan ng kanyang anak na babae na pangangalaga ng mga taong kailan man ay walang paggalang sa kanilang pananampalataya o may pagmamalasakit na pangalagaan ang kanilang karapatan?

 

Ang pag-aasawa sa pagitan ng isang lalaki at babae ng magkaibang pananampalataya ay maaring nababatay sa paggalang ng lalaki sa pananampalataya ng kanayng babae, kung hindi dahil dito, ang pagsasama ay kailan man ay hindi uunlad. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang Huduyismo at Kristiyanismo ay nagmula sa banal na revelasyon, subali’t sa kahulihan ay may mga pagbabago na ginawa sa mga ito. Naniniwala rin na ang Diyos ay siyang nagpahayag sa Taurat kay Moses at ang Injeel (Ebangelyo) kay Hesus. Bunga nito, ang mga asawang Kristiyano o Hudyo ng isang Muslim ay mamuhay sa ilalim ng pagtatanggol ng lalaking gumagalang sa pangunahing haligi ng kanyang pananampalataya, ang Kanyang mga kasulatan, at ang Kanyang mga Propeta, habang kabaligtaran ito ng sa mga Hudyo o Kristiyano na hindi tinatanggap ang banal na pinagmulan ng Islam, ang Aklat nito, ang kanyang Propeta. Paano mamuhay ang isang Muslim na babae kasama ang lalaking ito, habang ang kanyang pananampalataya ay inuutusan siyang gampanan ang mga ipinag-uutos na pagsamba, tungkulin at gawain, at ganoon din ang ilang pagbabawal. Mahirap sa isang Muslim na babae na panatilihin ang kanyang paggalang sa kanyang pananampalataya at ang pagsasabuhay nito kung siya ay sinasalungat ng pangulo ng pamilya sa bawa’t hakbang.

 

Mapag-alaman natin dito na ang Islam ay tapat sa kanyang paninindigan sa pagbabawal sa mga Muslim na lalaki na mag-asawa ng mushrik na babae, sapagka’t ang Islam ay mahigpit na sinasalungat ang pagkakaroon ng ibang Diyus-diyosan ng maliban sa Allah lamang, katotohanan, malinaw na mahirap sa dalawang taong ito ang magkasamang mamuhay ng may kaayusan at pagmamahal.

 



[1] Ang Wali ay ang kumakatawan sa babae na maaaring kanyang ama o malapit na kamag-anak o tumatayong magulang.

[2] Ang pangangalunya sa Islam ay ang pagtatalik ng lalaki at babaeng hindi kasal sa isa't isa. Ang kasal na walang Wali ang babae ay huwad at hindi tunay na kasal kaya ang kanilang pagtatalik ay itinuturing na pangangalunya.

[3] Ang Mahr ay ang tinatawag sa Pilipino na dote o bigay-kaya. Ito ay ibinibigay ng lalaki sa babaeng kanyang mapangangasawa at hindi para sa magulang o mga kamag-anak ng babae.

[4] Ang pagkuha ng marriage license at pagpapatala sa Civil Registry Office upang kilalanin ng pamahalaan na legal ang kasal ay ipinahihintulot

[5] Ang asawa ng babae na naging dahilan ng kanyang pagbubuntis at pagkakaroon ng gatas ay tinatawag na may-ari ng gatas sapagkat dahil dito ay nagkagatas angya.

[6] Ang 'Iddah ay ang panahon na hindi pa muna maaaring mag-asawa ang isang babaeng diniborangyo o namatayan ng asawa.

[7] Ang 'Iddah ng babaeng namatayan ay apat na buwan at sampung araw, o hanggang sa makapaganglang kung namatayan ng asawa habang nagdadalang-tao.

[8] Maaari angyang humiling ng Khula' kung nais pa rin niyang makipaghiwalay sa kanyang asawa dahil nabigo itong magbigay ng Mahr

1
2820
تعليقات (0)