Ang Kaparaanan ng Kagandayang-asal sa Islam

PLPHP

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

 

Ang Kaparaanan ng Kagandayang-asal sa Islam

Ni Abul 'Ala Al-Mawdudi

Salin sa Wikang Pilipino ni Ahmed Baguec

 

 

Ang tao ay nabiyayaan ng likas na kahulugan ng Kagandahang-asal, na nagsilbi upang patnubayan siya sa haba ng panahon, ginagabayan siyang mapagtatangi sa pagitan ng tama at mali at ng kabutihan at kasamaan. Bagaman ang antas kung saan sa isang bahagi ng kalidad ay maintindihan bilang isang mabuti o masama ay magkakaiba sa bawa’t tao. May pangkalahatang kasunduan hinggil sa paghihiwalay-hiwalay kung ano ang kabilang sa mga gawaing magandang asal at kung anong gawain ang masamang asal. Kaya't ang katangiang katulad ng katapangan at katapatan ay madalas maparangalan. Sa kabaligtaran nito, walang naitala sa kasaysayan ng tao na ang katangiang katulad ng kasinungalingan at paninira ng tiwala ng iba ay kalian man karapat-dapat parangalan. Ang katapatan, kadakilaan, at karangalan ay palagiang pinangalalagaan, habang ang karamutan, kalupitan, pagkahabag-habag at kabuktutan ay hindi kailan man tumanggap ng pagsang-ayon sa lipunan. Ang pagtitiyaga, kapasyahan at tibay ng loob ay mga katangiang lubos na hinahangaan at kinaluluguran ng tao, habang ang kawalan ng pagtiis, pabago-bago (salawahan) at kahinaang-loob ay walang kahalagahan. Ang dangal, pagtitimpi, kabaitan at pagkamapagkaibigan ay kinabibilangan ng katangiang magandang asal hindi tulad ng pagmamataas, at kawalang paggalang ay ay kailanman tinatanggap bilang mabuting mga katangian. Ang taong nag-aangkin ng katapatan sa kanyang tungkulin at katapatan sa mga gawain ay labis na pinupuri at iginagalang subalit ang tamad, pabaya sa kanyang mga gawain at kaguluhan ay malawakang hindi pinapansin at minamaliit.

 

Magpakaganoon, ang isang lipunan na itinatag at masiglang tinutulungan ang pagkapantay-pantay, hustisya at kalayaan ay tinitingala. Ang isang lipunan kung saan ang pang-aapi, pagkawatak-watak, pagkakahiwalay-hiwalay, at ang sosyal na pagkapantay-pantay sa bawa’t isa sa kanila ay malapit ng gumuho. Sapagka’t pinabayaan nilang mabulok ito sa pamamagitan ng pagpapairal sa mga layuning nakakasira sa pangunahing saligan kung saan ito naitatag. Ang pagnakaw, pagpatay, pangangalunya at panloloko ay kinasusuklaman. Ang masamang pananalita, pagbintang at panunuhol ay kabilang sa mga magagandang asal sa pakikitungo sa ating kapwa. Kabaligtaran nito, tayong nakatatanda, katapatan sa mga kaibigan, pagtulong sa mga kaanak sa sandali ng kanilang pangangailangan, ang pagtulong sa mga mahihina at naaapi at pagpagamot sa mga may sakit ay lahat mga gawaing pinagyaman mula sa simula ng kabihasnan.

 

Ang mga taong mabait, matapat, matuwid, maasahan, yaong maagap sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa kapwa, na namuhay sa kapayapaan at hikayatin ang ibang tao na gawain rin ito ay siyang bumuo sa mga pangunahing pamantayan ng masiglang lipunan. Ang kabutihan at kasamaan ay hindi mga kasaysayang naghihintay ng muling pagkambuhay, sila’y tunay at bahagi ng pang-araw-araw nating pamumuhay. Samakatuwid, binayayaan ng AllahU ang sangkatauhan ng likas na kamalayan sa tama at mali.

 

Sinabi ng AllahU:

  

At Kanyang ipinamalas (sa inspirasyon) sa kanya kung ano ang tumpak at mali. [Qur’an, 91:8]

 

Mga katanungang ipinalabas: Kung ang pangunahing halaga ng kabutian at kasamaan ay tinatanggap ng lahat, bakit magkakaiba ang pamamaraan ng gawaing asal ang namalagi sa daigdig? Bakit naparaming magkasalungat na tuntonin ng Kagandahang-asal. Saan ba ang ugat ng pagkakasalungat? Ano ang kapasyahan ng Islam sa ibang ethical system. Paano natin mapatutunayan ang pagpapahayag ng Islam na ito’y nagbibigay sa atin ng ganap na pagkapantay-pantay sa kaparaanan ng Kagandahang-asal? Ano ang kahanga-hangang nagawa at naipamahagi ng Islam sa larangan ng mga Kagandahang-asal?

 

Ang mga katanungang dito ay mahalaga at kinakailangang harapin ng tuwiran. Subali’t, nang dahil sa mga hangganan ng paglalagyan ay sapat lamang upang matalakay natin ang ilang bahagi ng paksa. Ang mga sumusunod na salaysay ay ang mga kasagutang naitala sa una:

 

1.      Ang kasalukuyang kaparaanan sa kaugalian ay hindi magawang mapagbuklod ang mataas na uri ng asal at ang pamantayan sa pamamagitan ng pag-uutos ng tiyak na hangganan at ang bunga nito ay ang matimbang at makatwirang pagbabanghay para sa sosyal na pamatnugutan ay hindi pa nagagawa.

 

2.      Bawa’t kaparaanan ng magandang asal ay naglalahad ng kakaibang pang-unawa kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, samakatuwid, ang pamantayan sa magandang asal ay magkakaiba. Ang pagpapatunay sa isang naturang pagpapalagay ay lalong lumala nang napag-alaman natin na ang pagpapasya o kapangyarihan sa likod nito ay magkaiba rin mula sa isang kaparaanan sa iba. Ganoon din ang mga batayan na ginawa upang alamin ang mga dahilan kung bakit ganoon ang pamamaraan ng isang tao kung ihahambing sa pagkakaiba sa paraan ng iba.

 

3.      Napag-alaman namin pagkatapos ng malalim na pag-iisip na ang mga pagkakaibang ito ay nagmumula sa mga salu-salungat na pananaw at pag-iisip hinggil sa sansinukob, ang kalalagyan sa sansinukob at dahilan ng pamamalagi ng taong ito sa daigdig. Sa dami ng mga pananampalataya, tuntunin, teolohiya at teorya na nandito ay mga patotoo at mga kaisipang nagmumula sa mga pagkakaiba at agwat sa mga pananaw ng tao tungkol dito sa pangunahing katanungan katulad ng mga sumusunod: Mayroon nga bang Diyos? Ano ang Kanyang mga katangian? Ano ang kaugnayan ng tao at ang Diyos? Ang tao ba ay may pananagutan sa kanyang mga gawain sa buhay na ito? Bakit nilikha ang tao?

 

Ang pamumuhay ng tao at ang kanyang pamamaraan ng magandang asal ay malalaman sa pamamagitan ng kanyang sagot sa mga katanungan. Sa muli sa dahilang may pagkukulang sa lugar at panahon hindi natin maaring maisama ang iba't ibang kaparaanan ng magandang asal sa daigdig ngayon, upang palawakin ang mga ini-aalok na kasagutan at solusyon sa mga pangunahing usapan at ang paglalarawan kung ano ang maidudulot nito sa mga kasagutan sa pag-unlad at pagsulong ng moralidad sa lipunan na naitatag sa ganitong pamantayan. Samakatuwid, dahil sa mga hangganang ito, tatalakayan lamang natin ang mga kaisipang moralidad ng Islam o Kagandahang-asal.

 

 

Ang Pananaw ng Islam sa Buhay at Kagandahang-asal

 

Ayon sa Islam, ang sansinukob ay nilkha ng AllahU. Siya ang Taga-pamahala at Tagapagtustus nito. Siya ang Maalam, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Nakababatid. Ang Kanyang Kamaharlikaan ay malaya mula sa anumang uri ng pang-aapi at pagtatangi-tangi. Ang tao ay nilikha ng AllahU, ang Kanyang sakop at utusan na nilikha upang sumunod at sumamba sa Kanya. Ang tao ay pinag-utusan na mamuhay ng may lubusang pagsunod sa batas ng AllahU.

 

Sa paglipas ng panahon, nagsugo ang AllahU ng mga propeta upang gabayan ang sangkatauhan at ipag-utos ang kanilang mga tungkulin. Ang tao ay pinagkalooban ng kalayaang piliin ang tatahaking landas maging ito man ay pagsunod o pagsuway sa mga kapahayagan ng mga propeta at manatiling matatag sa kanilang katuruan. Subali’t, ano pa man ang landas na babagtasin, siya ay may pananagutan nito at ang mga dulot ng mga gawaing mula dito. Kaya’t ang panahon ng tao sa mundong ito ay maaring maunawaan bilang isang pagkakataon lamang upang paghandaan ang kanyang sarili sa abot ng kanyang makakaya para sa kabilang buhay. Ang bawa’t isa ay mananagot sa kanyang sariling mga gawain at walang ibang maaring maparusahan sa mga kasalanan ng iba. Ang Araw ng Paghuhukom ay magbibigay ng gantimpala sa lahat ng mga naniniwala upang gumalaw ng naayon sa ipinag-uutos ng katuruan ng Islam sa paghahangad na makakamit nila ang kaligtasan.

 

Ang mga nakaraang pagpapaliwanag sa pananaw ng Islam sa buhay at Kagandahang-asal ay nagpapakita sa atin na ang minimithi ng tao ay ang kaluguran ng AllahU. Sa Islam, ito ang pamantayan na ang pangkaraniwang kaparaanan ng asal na maaring husgahan at paghihiwalay-hiwalay bilang mabuti o masama. Ang pamantayang ito ay nagbibigay ng batayan sa kinagagalawan ng Kagandahang-asal. Hindi iniwan ang tao na walang gabay. Ang Islam ay nagbigay sa tao ng matatag at pantay na kalipunan ng mga asal at mga saligan para sa mga gawaing nababatay sa asal. Dagdag pa rito, sa pagtatatag sa mga kinaluluguran ng AllahU bilang dahilan ng pamamalagi ng tao, ang mga pintuan ng walang hangganang pagkakataon ay nagbukas para sa pagsulong ng kanyang asal. Subali’t sa hindi paglaon, ito’y magagapi ng karamutan, bulag na pagsunod, pagmamataas o pagmamalaki.

 

Ang aming karunungan sa masamang ugali at kabutihan ay hindi dapat batay sa talino, nais, pananaw o karanasan, sapagka’t ang mga dahilang ito ay makakaranas ng tuloy-tuloy na pagbabago, binabago ang kanilang sarili at ang pag-unlad ayon sa pag-uutos ng panlabas na  kapangyarihan. Samakatuwid, hindi sila makapagbibigay sa atin ng ganap at malinaw na saligan ng Kagandahang-asal. Magkaganoon, ang Islam nagbigay sa atin ng Banal na Rebelasyon na napapaloob sa Qur’an at ang Sunnah ng Sugo ng Allah. Ang pinagmulan ng karunungang ito ay siyang nagtatag ng pamantayan ng Kagandahang-asal na kapwa pangmatagalan at pankalahatan na angkop sa lahat ng panahon at pagkakataon. Ang pamantayan ng Islam sa Kagandahang-asal ay sinasakupan kahit na ang mga usaping mula sa pinakamaliit na bahagi ng ating tahanan hanggang sa pinakamalawak na bahaging pambansa o pandaigdigang pamamaraan ng nga gawain. Ang saligang ito ang magpapalaya sa atin upang maging labis na aasa sa ibang maaring pagkukunan ng kaalaman.

 

 

Ang mga Ipinagbabawal sa Kabila ng Kagandahang-asal

 

Ang pananaw ng Islam sa sansinukob at ang tahanan ng tao dito ay nagbibigay ng pagsang-ayon sa lahat ng tulong sa mga ipinag-uutos na batay sa kagandahang-asal. Ang Islam ay naglahad ng matibay na mga katuwiran, sa dahilang hihikayatin ang sangkatauhan upang sumunod sa kanyang mga paniniwala sa Kagandahang-asal at upang magtatag ng saligang pampolitikal na siyang magpapatupad sa naturang saligan sa pamamagitan ng kanyang mambabatas at kaukulang pamunuan. Umaasa ang Islam sa likas na pagnanais o kahilingan sa kabutihan na nagingibabaw sa puso ng bawa't isa na nababatay pagmamahal at takot sa AllahU, ang pagkamalay sa pananagutan sa Araw ng Paghuhukom at ang pangakong walang hanggang kaligyahan sa Paraiso.

 

Kaya't bago nating ipagpatupad ang isang kautusan hinggil sa anumang moralidad, itinatanim ng Islam sa puso ng bawa't tao ang katatagan sa paniniwalang ang lahat ng kanyang mga gawain ay dahil sa katapatan at pagsunod sa AllahU lamang. Maaring maikubli ng isang tao ang ilan sa kanyang mga gawain sba iba, maari siyang magtagumpay na iligaw ang iba nguni't ang AllahU ay batid ng lahat ng naganap. Ang AllahU ang Nakababatid, ang Nakakikita, ang Maalam. Batid ng AllahU ang panloob na mga layunin at pagnanasa. Samakatuwid, maging ano pa man ang gagawin ng tao sa buhay na ito, hindi siya maaring makakaligtas sa katotohanang darating ang araw na mamamatay siya at sapilitang mananagot sa kanyang mga gawain at haharap sa paghuhukom. Sa araw na yaon walang tulungan, walang pagtatangi-tangi, walang pagpapaubaya, kabulukan at ang panloloko ay hindi magtatagumpay, ang hustisya ay mangingibabaw.

 

Magkaganoon, naging malinaw na ang tanging matapat at matibay na paniniwala ang siyang maaring magbigay-diwa sa tao upang isabuhay itong mga kautusang ito sa pang-araw-araw niyang pamumuhay. Kapag may isang kilalang pananaw at ito ay ipinapatupad ng estado higit na mainam ito, kung hindi ang isang tapat na mananampalataya ay nararapat magtiis at manatiling matapat sa kanyang paniniwala sa AllahU.

 

 

Ang Kakaibang Katangian ng mga Alituntunin ng Kagandahang-asal sa Islam

   

Ang Islam ay nagbigay sa sangkatuhan ng pinaka-mataas na kalidad ng pamantayan ng Kagandahang-asal na ang pangunahing mithiin ng tao ay ang kaluguran ng AllahU.

 

Hindi nagbibigay ang Islam ng anumang pagpapahalaga sa aral ng isang nobela o kuwento o maglayong paliitin ang kahalagahan ng kaugalian. Ang moralidad ay tinatalakay ng may pag-iingat at pantay na pagbibigay na tamang lugar at tungkulin sa bawa't kahalagahan ng asal sa buong kaganapan ng buhay. Katotohanan, ang sinasakupan ng kanilang gamit ay pinalawak upang saklawan ang bawa't bahagi ng buhay ng tao maging ito man ay pansarili at pangkalahatan.

 

Ang Islam ay ipinaguutos sa tao ang paraan ng pamumuhay na nag-aanyaya sa kabutihan at pinapalaya ang lipunan mula sa kasamaan. Ipinag-utos sa mga Muslim na hindi lamang gampanan ang mga magagandang katangiang ito kundi ipag-utos ito sa kanilang kaanak at sa lahat ng abot ng kanilang kapangyarihan at putulin ang masasamang bisyo at kabulukan. Ang gawaing ito ay pangkalahatang tungkulin ng mga Muslim at maging araw ng pagluluksa kung ang gawain ng ilan ay naglalayong itatag ang kasamaan at pigilin ang kabutihan.

 

1
2826
تعليقات (0)