Ang Kinabukasan ng ating mga Anak at ang ating mga Tungkulin

Shaykh Muhammad Saleem Dhorat

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

 

Ang Kinabukasan ng ating mga Anak at ang ating mga Tungkulin

Ni Shaykh Muhammad Saleem Dhorat

Salin sa Wikang Pilipino ng PLPHP

 

 

Ang mga Muslim ay nabiyayaan ng pananampalatayang Islam na nagbibigay ng detalye ng mga tuntunin kasama ang mga patnubay sa mga nilkiha para sa isang huwarang lipunan, kung saan ang pangangailangan ng lahat ng kasapi dito ay pinangangalagan. Isang lipunan na ang pinagka-isahan at pansariling layunin ay ang pagsuko sa kagustuhan ng Allah, Siyang Tagapaglikha at Tagapagtustus sa lahat ng kanyang nilikha. Ang mga patnubay ng Qur’an ay malinaw at tukoy hinggil sa mga tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak. Bago natin talakayin ang “Kinabukasan ng ating mga anak at ang ating mga tungkulin” naaangkop lamang nating panandaliang talakayin ang kalagayan ng lipunan ng mga Muslim ngayon tungkol sa kanilang mga anak.


Ang lipunan ng mga Muslim sa pangkalahatan ay kasalukuyang natutunghayan ang kanilang mga anak ang tanda ng masamang bunga ng walang hangganang kalayaan sa pamumuhay ng kanluran. Ang henerasyon ng mga kabataan ngayon ay nabiktima at nasakop ng kasamaan ng kanluran. Maraming mga magulang ang naghihinagpis at naniniwalang nahaharap sila sa buhay na winasak ng kanilang angkan na nalulung sa bisyo katulad ng droga, alak at iba’t ibang uri ng masasamang asal. Ang mga magulang ng mga kabataang ito ay umiiyak: “Sino ang maaring magligtas sa aming mga anak?”


Ang mabilis ng pagkalat ng mga droga, alak at mga malalaswang ugnayan sa mga paaralan ay sapat upang mag-alala ang mga Muslim, malungkot, at mabahala. Sa karamihan ng mga paaralan ngayon, maraming kabataang (babae at lalaki) Muslim ang gumagamit ng droga, umiinum ng alak sa mga paaralan at magpakalabis sa  kahit na anong bagay. Hayaa (ang hiya at kababaang loob), ang likas na bigay ng Tagapaglikha na magtatanggol sa kababaihang kabataan ay nawala sa mga mag-aaral. Ang pag-alala sa Huling Araw ay malayo sa kanilang kaisipan.


Kailangan nating harapin ang mga katotohanang sumasalot sa ating mga anak sa mga paaralan at labas ng ating mga tahanan. Nalulung sila sa mga bisyo at kalaswaan at masasamang asal. Salat sila sa mga kaalamang ukol sa Islam, wala silang pagsasasanay sa kagandahang asal sa Islam, ang kanilang pamumuhay at kaibigan, mga guro, ang kanilang pamamaraan sa pag-aaral, at ang lahat ng sa kanilang ginagalawan ay lihis sa katuruan ng Islam.


Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa Islam, ang kanilang puso ay puno ng pag-aalinlangan laban sa Islam. Umuuwi sila sa kanilang tahanan, binabati ang kanilang magulang na naniniwalang sila’y mabubuti at matapat ng mga anak nguni’t lingid sa kanila ang kalaswaan at kasamaang asal at pag-aalinlangan ay nagapi ang kanilang puso. Ang panahon ng jaahiliyyah (kamangmangan) ay siyang nangingibabaw sa kalakasang antas. Ang malayang paghahalo at masyadong malapit ng pagkakaibigan ng ng magkaibang kasarian, sayawan at kantahan, ligawan, malawsang pananamit, malaswang laruan, atp, ay lahat bahagi ng jaahiliyyah na mahigpit na sinasalungat ng Islam subali’t laganap sa mga paaralan at sa ating mga anak.

 

Dahil dito, ang ating mga anak pagdating ng edad na 16 papasok sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo ay lihis na sila sa Islam sa kanilang pananampalataya, gawain, ugali at kaugalian. Ito ang kalagayan ng ating henerasyon ngayon, kaya’t hindi mahirap maunawaan ang nahaharap na katotohanang ang susunod na henerasyon ng mga kabataang Muslim ay tatahak sa landas ng pagkawasak ng moralidad at esprituwal at higit na nakakatakot at napakasamang landas ng pagkawasak ng henerasyon ng mga kabataang Muslim sa nakaraang dekada.

 

Ang mga Muslim na magulang ay kinakailangang maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanilang mga anak. Ang mga ito’y mga suliraning nararapat nating harapin. Hindi natin maaring ipagwalang-bahala ang kasamaang ito na siyang magwawasak sa ating kabataan. Ang tanong, paano natin haharapin at mabibigyang lutas ang suliraning ito? Bilang mga magulang, ano ang mga tungkulin natin sa ating mga kabataan?


Hindi natin magagamot ang ang isang bulok na kabihasnan kung ang suliranin ay hindi natin mapag-aralan at mauunwaan ang puno’t dulo nito. Nararapat nating tanggapin ang kalagayan na sumisira sa ating mga kabataan upang magkakaroon tayo ng naangkop na lunas. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga inihaharap na kalutasan:



1. Ang tungkulin ng mga Magulang:


Nararapat maunawaan ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay ipinagkatiwala ng Allah sa kanila. Mga ipinagkatiwalang (amaanat) ating pananagutan at siyang sasaksi laban sa atin sa Araw ng Paghuhukom. Kung wawasakin natin ang mga ipinagkatiwalang ito sa atin, ganoon din ang pagwawasak sa atin sa Kabilang Buhay sa pamamagitan ng pagsaksi nito laban sa atin.

 

Sinabi ng Propeta ng Allah:

 

“Ang lahat sa inyo ay isang shepherd at bawa’t isa sa inyo ay tatanungin sa kanyang tagasunod.”

 

Ang tungkulin ng mga magulang ay ang arugaan ang mgs anak na sanggol at bigyan ng nararapat ng edukasyon at pagsasanay; ituro sa kanila ang Qur’an at ang pangunahing paniniwala ng Islam; pangaralan sila sa mga batas tungkol sa Tagapaglikha at ang mga nilkha; pigilan sila sa mga bagay na nagdadala sa kanya sa pagkawasak; imulat sa kanila ang kadakilaan ng Allah at ang kanyang tungkulin sa Kanya ay nakahihigit sa lahat ng bagay. Ang mga magulang ay gumaganap ng isang napakamahalagang tungkulin sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Ito ay nabanggit sa isang hadeeth:


”Bawa’t bata ay ipinanganak ng Fitrah (ang likas na asal mula sa Allah). At ginawa siyang Kristiyano, Hudyo a Zoroastrian ng kanyang mga magulang.”

 

Ngayon, ang mga magulang ay nababahala lamang sa kapakanan ng kanilang mga anak sa maka-mundong pinag-aralan at material na kinabukasan at sadyang pabaya sa pagsulong ng kanilang esprituwal at kagandahang-asal.  Sa ganitong pangyayari, hindi sila maituturing na kaibigan ng kanilang mga anak.

 

Nasabi sa Majaalise Abraar:

 

“Ang kaibigan ng tao ay ang siyang nagsusumikap na umunlad sa Huling Araw ng kanyang kaibigan maging ito man ay panganib sa sarili niyang buhay. Ang kalaban ng tao ay ang nagsusumikap na  wasakin ang kinabukasan sa Huling Araw ng iba kahit na may makamundong kapakanan sa kanyang pagsisikap.”

 

Tandaan, tayong mga magulang ang may pananagutan na iligtas ang ating mga anak mula sa lumalagablab na apoy ng impiyerno sa pamamagitan ng pagbabantay at pagpapatibay sa kanilang pananampalataya at ang kanilang kagandahang asal.

 

Sinabi sa Qur’an:

 

O mga sumasampalataya! Iligtas ang inyong sarili at pamilya mula sa lumalagablab na apoy na ang panggatong ay tao at bato.

 

2. Madaaris (o panggabing paaralan):


Kinakailangan magtatag ng panggabing paaralan para sa mga bata sa bawa’t lugar at kung ito ay naitatag na kailangan nating baguhin ang paraan ng pagtuturo sa kanila at tanggalin ang mga sagabal sa pakikipag-usap. Mula sa paaralan hanggang sa ating mga tahanan at mga madrasa may malaking hindi pagkakaunawaan sa kanilang kultura. Mahirap mauunawaan ng mga bata ang mga aral na ibinahagi sa kanila sa arabik o english o sa ibang wikang banyaga. Ang dulot nito ay iiwanan nila ang madrasah na walang naintindihan sa tunay na kaalaman sa Islam.

 

3. Mga Samahan sa Kanluran:

 

Ang dakilang sanhi ng kawalan ng magandang asal ay ang masamang kapaligiran sa mga samahang ito. Ang ating mga anak ay inuubos ang kanilang oras sa mga samahang ito kung saan nila natutunan ang masamang asal, kalaswaan, kahalayan at maling paniniwala at mga tuntuning sinanasalunggat ng Islam. Sanhi ng mababang antas ng pag-aaral sa Islam dahil sa kakulangan ng panahon ng kanilang mga magulang. Marami sa ating mga anak ang kulang sa sapat na kaalaman sa pananampalatayang Islam at batas, at ang kanilang kaisipan ay naguguluhan at ang puso ay hindi mapalagay. Ang pag-iwas sa pagbibigay ng makamundong pag-aaral sa ating mga anak sa mga kapaligirang lihis sa landas ng Islam at ang pagpapadala sa kanila sa mga pampublikong paaralan ay katulad ng pagtapon sa kanila sa lugar ng mga lion.


4. Ang Kapaligiran:

 

Walang pag-aalinlangan na ang kapaligiran at ang lipunan na ating kinagagalawan ay may malaking bahagi sa paghubog ng asal, ugali at pakikitungo ng isang tao. Ang kapaligiran sa bansang ating pinamalagian ay lumihis sa landas ng Islam, samakatuwid ang dulot ng lipunang ito sa ating mga anak ay kung ano ang kanilang nakagisnan at kinagagalawan. Magpakaganoon, nararapat lamang na ating hikayatin ang ating mga anak na lumayo sa masasamang kasamahan at mag-ayos ng lugar at laruan na maari silang maglaro at magpahinga na naaayon sa katuruan ng Islam.



TANDAAN!

 

Ang ating mga anak ang magiging pinuno ng kinabukasan. Kung ang kanilang kalagayan ay maunlad ganoon din ang ummah at kapag sila’y lumihis ng daan, mangunguna sila sa pagkawasak na maaring makakasama sa pangkalahatang Muslim.

 

1
2841
تعليقات (0)