Ang Agwat sa Pagitan ng Salita at Gawa

PLPHP

 

 

 

 

Sa Nglan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin

 

Ang Agwat sa Pagitan ng Salita at Gawa

[PLPHP]

 

 

Maaring nating sabihing, ang agwat sa pagitan ng pahayag at mga gawa. Sapagka’t ang pagpapahayag ng totoong salita ay ang mukha ng gawain, na sinasabing gawain ng wika. Ito ang unang nakikitang gawain na ginagawa ng isang tao kapag ipinapahayg ang kanyang pagpasok sa Islam: “Ako’y sumasasaksi na walang ibang nararapat sambahin maliban sa Allah, at si Muhammad ay ang Kanyang Sugo at ang huling Propeta.”

 

Ang pamagat ng lathalaing ito ay hango sa bantog na tula ni At-Taghraee, na pinamagatang “Lamiyatul-'Ajm” na kanyang sinabi:

 

“Ang pagkamatapat ay naglaho o kumupas habang ang pagtataksil ay laganap, at ang agwat ay lumuwang sa pagitan ng salita at gawa.”

 

Subali’t ang aking tatalakayin dito ay ang kahalagahan ng gawa bilang pangunahing bahagi ng Islam, sa pananatili sa relihiyon at ang ikauunlad ng mundo sa ating kapaligiran. Ang kahalagahan ng gawa, ay isang malaking kaisipan na itinataguyod ng daan-daang aklat o lathalain mula sa Qur’an at Sunnah.

 

Ang tagumpay at pagkasawi ng bawa’t tao; ang lakas o kahinaan ng isang lipunan; at ang kaligayahan ng mundong ito sa kaligtasan sa kabilang buhay ay nababatay sa gawa. O sa mga mapagkunwaring hukom, ang mabuting gawain ay ang mga tinatanggap na halaga kung saan nakasalalay ang mainam na mga bunga sa panandalian at pangmatagalang panahon.

 

Ang mga mabuting gawaing ito ay kinakailangang matupad itong dalawang kahingian:

 

1.      Ang tamang layunin o katapatan

 

2.      Nararapat na ito ay naaayun sa Sunnah at Shari’ah, o katumpakan

 

Ang dalawang kahingiang ito ay ipinahayag sa Qur’an:

 

Siya na lumikha ng kamatayan at buhay upang masubukan Niya kung sino sa inyo ang pinakamabuti sa asal (at pag-uugali), at Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Mapagpatawad. [Qur’an, 67:2]

 

Samakatauwid ang kabutihan ng gawa ay napapaloob sa dalawang kahingian: ang katapatan sa Allah at sangayun sa Shari’ah. Sa dahilang ito walang talata sa Qur’an ang ipinahayag kung alin sa inyo ang may pinakamabuting gawa.

 

Ang pag-uukol ng puna ni Fudail ibn `Iyyad sa talatang ito sa Surah Al-Mulk ay kilala. Sinabi niya hinggil sa, “pinakamabuti ang gawa,” ay ang pinaka matapat at pinakatumpak. Kung ang gawain ay nagawa ng buong katapatan subali’t hindi tumpak, ito ay hindi tatanggapin. At kung ito man ay tama subali’t hindi ginawa ng buong katapatan, ay hindi rin tatanggapin. Ito ay tatanggapain lamang kung ginawa ng buong katapatan at tumpak. [Refer to Al-Ubudiyah by Ibn Taymiyyah].

 

Sinikap nating itala kung ilang ulit nabanggit ang “mabuting gawa” sa Qur’an. Ang dalawang salitang ito ay nabanggit ng siyam (9) na ulit.

 

Ang salitang gawa o gawain kung idagdag sa isang pang-uri maliban sa “kabutihan” ay madalas mababasa sa Qur’an. Ayun sa isang mabilis na pagbibilang umaabot ito ng tatlong daan ulit. Ito ay isang malinaw na pagpapahayag sa kahalagahan ng gawa sa buhay na ito. Maging sa bingit ng kamatayan, ang gawaing magkaroon ng layunin ay nararapat. Sinabi ng AllahU: 

 

At ang (pagtalima at pagsunod na ito sa Allah, ang Islam) ay ipinatupad ni Abraham sa kanyang mga anak na lalaki, (at gayundin ang ginawa) ni Hakob (na nagsasabi): “O aking mga anak (na lalaki)! Ang Allah ang humirang para sa inyo ng (tunay) na pananampalataya; kaya’t huwag ninyong hayaan na kayo ay pumanaw maliban sa katatayuan ng pagtalima (sa Islam, bilang mga Muslim). {Qur’an, 2:132]

 

Sa pagkakaalam ng gawing kanluran sa pangkalahatan, at lalong-lalo na ang Amerika, isang banyaging kaisipan ang umusbong na natutuon lamang sa trabaho at paggawa. Ang pilosopiyang ito ay nagpapayag na ang tunay at malinaw na pakinabang ay ang sukatan ng kaalaman. Ang ibig sabihin ng tunay na kaalaman ay ang maaring ipatupad o magawa at hindi lamang kaisipan ng kaalaman.

 

Ang dakilang papuri sa gawain nagpapahayag ng pagtanggi ay may dalawang uri na lihis sa landas ng katotohanan.

 

Una: Ang manggagawa na walang tamang gabay at walang kaalaman sa dakilang Batas. Sila ang mga hindi magkamit ng nararapat na bunga sapagka’t hindi ito nababatay sa tamang pananaw at tunay na karanasan.

 

Sinabi ng AllahU:

 

Sa Araw na yaon, ang maraming mukha ay magiging aba (ang mukha ng mga Hudyo at Kristiyano, atbp.). ). [Qur’an, 88:2]

 

Na gumagawa (ng buong pagsisikap sa makamundong buhay sa pagsamba sa mga iba tangi pa sa Allah), na tigib ng sakit at napapagal (sa Kabilang Buhay dahilan sa pagkadusta at kahihiyan). [Qur’an, 88:3]

 

Sila ay magsisipasok sa Naglalagablab na Apoy. [Qur’an, 88:4]

 

Sila ay dudulutan ng inumin  mula sa kumukulong batis, [Qur’an, 88:5]

 

Ipagbadya (O Muhammad): “Amin (Allah) bagang babanggitin sa iyo kung sino ang pinakatalunan kung ito ay tungkol sa (kanilang) mga gawa?” [Qur’an, 18:103]

 

Ang lahat ng bagay na lihis sa landas ng AllahU ay kabilang dito. Ang kailang pagsamba sa Allah ay nahaluan ng kawalan ng kaalaman at kasinungalingan. Katulad ng mga sumasamba at mga manggagawa mula sa mga taong nagbabago, maging sila man ay mga khawarij (ang mga naunang Muslim na binibilang na ang gumawa ng malubhang kasalanan ay hindi naniniwala at hindi makasalanan), ang Sufiyah (naniniwala sila na ang kanilang mga shaykh ay pinagmumulan ng kaalaman na maaring kapantay nila ang Revelasyon o maaring kanilang hihigitanito), o marami pang iba

 

Tulad din ito sa mga rebolusyonaryong  paaralan ng kaalaman na hindi bumubuo sa kanilang kaisipan mula sa banal na patnubay ay hindi kabilang dito. Ang kanilang mga gawain ay batay sa maling prinsipyo. Sinabi ng AllahU:

 

Sila na nauna sa kanila ay katotohanang nagsipagbalak, datapuwa’t ang Allah ang gumiba ng balangkas at mga haligi ng kanilang gusali, at ang bubong ay gumuho sa kanila mula sa itaas nila, at ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila mula sa mga sulok na hindi nila napag-aakala. [Qur’an 16:26]

 

Ang isang magandang halimbawa ng paglalarawan sa ating pahanon ngayon ay ang Komunismo; ang pinagmulan ng pampolitika at panlipunan sa kanyang pilosopiya. Marami sa kanyang tagasunod ay hindi inaasahan ang masamang dulot nito. Ang lahat ng kanilang gawain ay sanhi ng panakit at sila’y naging abala sa paghahanap ng paraan upang ipagtanggol ang kanilang paurong na pamamaraan.

 

Pangalawa: Ang pangalawang pangkat ay ang mga nagnanais ng walang gawain at kaginhawaan. Isang pilosopiya na labag sa landas ng AllahU. Dito, ang pagnanais sa lahat ng kanyang hangarin ay magkakatotoo o makakamit ng walang paghihirap o gawa.

 

Isang pangkaraniwan sa tao sa larangan ng pagiging buhay at gumagawa ng mga bagay tungo sa katuparan ng pangkat ay hindi tiyak. Subali’t ang pangunahing katangian ng pangkat na ito ay ating matutunghayan sa iba’t ibang pamamaraan. Halimbawa, ang mga taong nagpupumilit magpakalayaw at tustusan ang kanilang pagnanasa, o ang ibang nag-iisip na sapat na sa kanila na maging bahagi sa isang pangkat.

 

Sasabihin ng mga Hudyo: “Ang apoy ay sisilab lamang sa amin ng ilang araw.” At dumating ang mga Kristiyano sa ganito ring pagpapahayag at kanilang aangkinin na sila’y mga anak ng Allah at ang Kanyang tanging nag-iisa. 

 

Pagkatapos nila ay dumating ang mga Muslim, mula saan, mula sa mga taong sumunod sa nanga-unang lipunan sa pamamagitan ng pagsasabi, “Kami’y mapapatawad.”

 

Tunay na ang unang talata na nabanggit ay nauukol lamang sa mga Hudyo at Kristiyano ay totoo. Subali’t, ito rin ay nauukol din sa mga Muslim..

 

Ang pangalawang kategorya ay kinabibilangan din ng mga walang layunin o pangarap sa kanilang gagawin at tutuparin. Sila’y mga bilanggo ng kanilang sarili at ang kanilang araw-araw na gawain. Ang kanilang asal ay hindi pinapatakbo ng isang idolohiya at ang kanilang mga gawain ay walang kinaaalaman sa isang mahalagang misyon. Nalulunod sila sa trabahong walang kahulugan. Ang isa sa kanila ay magtatatrabaho upang may pambayad sa hiram na halaga sa kanilang bahay. At siya’y umuwi sa bahay upang matulog, kumain at uminom upang magkakaroon ng sapat na lakas sa pagtupad sa kanyang tungkulin sa trabaho. Siya’y naging isang makinarya na walang kaluluwa at hindi man lamang niya nalalaman ang kasindak-sindak niyang kalagayan.

 

Sa higit pang kailaliman ng hukay, ay ang Paaralan ng Pilosopiya na walang pagpapahalaga sa karunungan ng tao. Sa kanila, ang inaakala ng mga taong namamalagi ay hindi sa kanila. Hindi sila naniniwala sa kagandahang asal. Ang kanilang layunin ay sumira ng walang pagpapahalaga sa ibang maayos na pamamaraan. Ang Partidong Ruso ay ipinalaganap noong 1870. Ang kanilang layunin ay ang sirain ang estrakturang pangsosyal na walang balak na palitan ang mga ito.

 

Ang karamihan ay yaong mga taong nagrereklamo sa katotohanan sa kanilang pamumuhay. Sila’y nagsusumikap na sirain ang mga estraktura sa kanilang lipunan at ang bunga ay labis na paghihirap at kaguluhan sa mamamayan. Ang bukang-bibig ng bawa’t isa sa kanila ay “kamatayan sa akin at ng aking kaaway.” Isang tula ng mga Arabo ay nagsasabi: “Maraming araw na akong umiyak, at kapag dumating ang isang araw ay iiyakan ko ang nakaraan.”

 

------------------------------------------------------------

Ang lathalaing ito ay hango sa akda ng butihing Shaykh Salman al-`Awdah na naitala sa www.islaam.com

1
3055
تعليقات (0)