Pilipinas, bagsak pa rin sa korapsyon

PLPHP - AFP

BAGSAK na naman ang maraming bansa sa Asya sa global report tungkol sa korapsyon na inilabas kahapon.


Sa ulat na ito pumuwesto ang Pilipinas sa ika-92 sa 133 bansang kasama sa survey ng anti-graft watchdog Transparency International (TI).

 

Kasalo ng Pilipinas sa puwesto ang Pakistan at anim pang bansa na kinabibilangan ng Gambia at Albania, sa puntos na 2.5.

 

Ang puntos na 10 ay nangangahulugan ng malinis o ligtas sa korapsyon at ang zero na puntos ay katumbas ng napakataas na korapsyon.

 

Isa ang Singapore, Hong Kong at Japan sa ilang "leading lights" sa Asya, na inilagay ng TI sa top 21 ng least corrupt nations.

 

Ang Singapore ay panglima sa corrupt na bansa na may puntos na mahigit siyam; habang ang Hong Kong ay ika-14 at ang Japan ay nasa ika-21 sa score na pito.

 

Nangunguna ang Bangladesh sa pinakakurakot na bansa, sa ikatlong magkakasunod na taon na may puntos na 1.3 sa 10.

 

Ang TI, na nakabase sa Berlin, ay naghayag na ang survey ay hindi kinabibilangan ng lahat ng bansa dahil sa kakulangan sa datos.

1
1145
تعليقات (0)