World Bits

PLPHP

US diplomat, pakialamero-China


HONG KONG-Inakusahan kahapon ng
China ang isang US diplomat ng pakikialam sa kanilang internal affairs at nanawagan para sa mas malawak na demokrasya sa Hong Kong.

AFP

Transparency sa NoKor nuclear programme, iginiit ng US


TOKYO-Iginiit kahapon ng United States na ang pag-aalis ng
North Korea ng nuclear weapons ay bukas sa internasyunal na pagsusuri, isang pagkilos na lalong magpapabagal sa panibagong yugto ng pag-uusap, ayon sa ulat.

AFP

Taiwanese officials, pinagalitan ng China


BEIJING-Nagreklamo kahapon ang China sa
Japan at inihayag ang "strong dissatisfaction" kaugnay ng pagpupulong ng Taiwanese at Japanese officials sa Taipei, hayag kahapon ng foreign ministry. "We express our strong dissatisfaction over Japan's refusal to listen to the many representations by the Chinese side and Japan's insistence to invite Taiwan authorities to the [Japanese] emperor's birthday reception in Taipei," saad sa pahayag ng foreign ministry sa kanilang website

AFP

Afghan prexy, kumpiyansang makabubuo ng konstitusyon


KABUL-Kumpiyansa si President Hamid Karzai na makabubuo ng k
asunduan ang bansa para sa konstitusyon na magbibigay-daan sa kauna-unahang eleksyon sa Afghanista, ngunit inaasahang magkakaroon ng mahigpit na debate para maaprubahan ito. Sinimulan kahapon ang pagpupulong para sa pagbubuo ng konstitusyon.

1
1887
تعليقات (0)