Amerikano, binalaan muli ng al-Qaeda

PLPHP - Reuters

DOHA-Puntirya pa rin ng al-Qaeda ang lahat ng Amerikano saan mang lugar, ayon sa audiotape na inilabas ng Arab satellite television Al-Jazeera.

 

Ang audiotape na sinasabing mula sa deputado ni Osama bin Laden ay ipinalabas kamakailan ay nagbabala sa lahat ng Amerikano na puntirya pa rin ng grupo at diumano'y magpapalayas sa puwersang US mula sa rehiyon.

 

Samantala, pinayuhan ng mga opisyal ng US na maging vigilante kaugnay ng banta ng mga terorista. Ang babala ay bahagi ng nakuhang impormasyon sa nakalipas na buwan.

 

Ang kahalagahan ng nakuhang intelihensya ay hindi malinaw ayon sa opisyal.

 

Ayon naman sa Homeland Security officials hindi nila inaasahan na ang national threat warning na "yellow"-ang midpoint sa five-color scale- ay itataas sa orange maliban na lamang kung tiyak ang intelihensyang natanggap.

 

Ang 10-minutong tape na isinahimpapawid ng Al-Jazeera ay sinasabing inirekord ni Ayman al-Zawahri, ang No. 2 figure sa al-Qaeda. Ayon sa mga editor ng Al Jazeera, natanggap nila ang tape sa pamamagitan ng mail. Sa Washington, sinabi ng CIA na dinedetermina pa nito ang authenticity ng tape.

 

 

 

1
1921
تعليقات (0)